Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 4

Siya na nasanay na ang kanyang pagma-malasakit at pagbibigay ay ina-appreciate talaga nang husto ng mga tao, ay parang nadismaya na may isang Nevada na kumukuwestiyon dito.

Nasugatan din siyempre ang male ego ni Francis. Hindi siya makapaniwalang ang isang babae na lumaki pa naman sa kahirapan ay makapagpakita sa kanya ng ganitong klaseng stubborness.

Kulang na lamang ay maipamata sa kanya ni Nevada na silang mayayaman ay hindi laging tama sa lahat ng pagkakataon sa pagtulong nila sa mga kapus-palad.

At hindi pa nakatulong sa pangit na mood ni Francis ang pagbulong sa kanya ni Luis Yap nang nakangiti.

“Francis, ganyang klaseng babae na tulad ni Nevada ang masarap paibigin. Nahahamon ka na sa ganda at personalidad, nahahamon ka pa sa utak.”

Dahil nga maliit pa lamang siya ay kaibigan na ng kanyang papa si Luis Yap, palagay na rin ang loob nito sa kanya. Bahagya pa siyang siniko nito sa tagitiran sabay kindat.

Napantastikuhan naman si Francis sa pagma-match ng matanda sa kanilang dalawa ni Nevada. “Oh, no, Tito Luis… she is not my type. Hindi sa ayoko sa kanya. But she is not really my type. You know why? I’m born under Cancer. Sa aming samahan na The Zodiac Club, alam ng lahat na ako ang nurturing sign. So, paano ko naman makakasundo ang isang babaing ayaw magpa-nurture? Nagkataon lang na tama rin siya kanina kaya pumayag na rin ako sa suggestion niya. Pero luminaw naman sa akin kung ano ang ugali ng babaing iyan. Doon kayo tama, na matapang siya. And may I add that she is also untamable. Iyong taong hindi mo masusuyo o mapapaamo. That’s why I wouldn’t go near her, not within ten meters distance.”

May kasama pang pag-iling ang pagtanggi ni Francis sa pagtatambal ng shopping malls magnate sa kanila ni Nevada.

Ngumisi lang ang matanda, “Imposible naman iyang sinabi mo, iho. Hindi maaaring hindi ka mapalapit sa kanya within ten meters distance. Dahil napag-usapan na naming mga kagawad na sa educational tours ng mga bata sa Awitan ay kayo ni Nevada ang magli-lead sa kanila.”

Nanlaki ang mga mata ng Cancer man. “Ako at siya? Why of all people, kaming dalawa pa ang magkasama?”

“Dahil iyan ang gusto naming mga kagawad ninyo. Sa paningin namin, tamang-tama kayo ni Nevada na makasama ng mga bata sa pag-explore ng mahahalagang lugar. Pareho kayong kabataan pa ang edad, parehong matalino, parehong bursting with life! At hindi kayo makakatanggi, buo na ang pasiya namin!”

May kapilyuhan pang kumindat ang matanda bago ito nagbalik sa tabi ni Aling Isabel, na ang pagkakangiti ay parang halata rin na isa rin ito sa mga may pakanang maikulong sa magkasamang lakad ang dalawang barangay captain, na parehong may kontrobersiyal na kakanyahan.

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

5 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 4”

Mag-iwan ng mensahe...