Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 5

KUNG hindi busy si Nevada sa barangay hall ng Awitan, at kung wala siya sa field para mag-interview ng mga tao na may kinalaman sa mga artikulong gagawin niya para sa diyaryong Punla, nasa bahay lamang siya at nagta-type ng kanyang trabaho.

Nang makita ni Bernardo Carreon na hinugot na ni Nevada sa kanyang typewriter ang huling pahina ng kanyang ginagawang artikulo, kaagad tumikhim ang ama.

“Tapos ka na? Mag-usap nga tayo sandali, tungkol sa iyo at sa barangay captain ng Salvacion na si Francis Legaspi.” Mababa lamang ang boses ng ama.

Saglit lang na sumulyap si Nevada sa itay niya. “Ano ho ba ang nakarating sa inyong balita?”

“Na para raw kayong aso at pusa ni Francis.” Diretso ang sagot ni Bernardo.

“Hindi naman ho ako nang-away. May iginiit lang ako na tama naman.”

“Naroroon na ako. Pero hindi pa rin maganda kung ang impresyon ng mga kagawad ninyo ni Francis ay nagpapataasan kayo ng ere.”

“Ang alam ko ay nakipag-compromise naman siya sa akin. Sinunod din naman niya ang suhestiyon ko, napagsama naman namin iyong gusto ko at ang gusto niya.”

“Kung ganoon ay… mangangako ka sa akin na sa susunod na pagkikita ninyo ni Francis ay aakto kang isang kaibigan… hindi kalaban?” Dinadaan na ni Bernardo sa pressure ang anak.

Umirap si Nevada. “Eksaherado naman ho yata ang mga balitang nakarating sa inyo. Hindi naman ako nanggiyera ng tao. Ang tawag na ba ngayon sa paninindigan ay pang-aaway?”

“Nevada, baka naman kasi masyadong matapang ang dating mo noong magmiting kayo?”

“Wala po akong magagawa, Itay. Kung magpapa-sweet naman po ako doon ay baka naman hindi nila ako seryosohin. At lalo lamang ho akong mahihirapan sa responsibilidad ko kung ang tingin nila sa akin ay sweet young thing. Lalo na sa Francis Legaspi na iyon, importante sa akin na tingnan niya akong kapantay niya. Hindi iyong tulad din sa pagtingin niya sa mga batang mahirap ng Awitan, pakainin at alagain.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

3 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 5”

  • 1 yas says:
    June 1, 2009 at 3:42 pm

    what a nice story!!!!!!!!!!!!!

  • 2 chica_15 says:
    February 28, 2010 at 4:05 pm

    …ang ganda sna gwa pa phoe kyo ng mdmi hehehe….!!!

  • 3 pazawaiy_19 says:
    January 13, 2012 at 7:25 pm

    uhm. .2 storie nlang ung nde que pa nba2sa sna mgkaruon pa ng bg0ng storie dito nde kc aque mkapasuc dun sa bg0ng site niu iih. , =(

Mag-iwan ng mensahe...