Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 5

Naaliw bigla sa anak, buong pagmamalaking pinagmamasdan ni Bernardo si Nevada.

“Imposible kang maituring na alagain at pakainin, Nevada. Kahit sino, makikita na may leadership quality ka. Ganyan din ako noon sa edad na iyan, ang kaibahan lamang natin ay lalaki ako at babae ka. Pero ang pagkababae mo ay hindi naman nakakabawas sa iyong pagiging born leader.”

Nasiyahan na rin naman si Nevada sa narinig. “Ang maipapangako ko lang sa inyo, Itay… hindi ko man mapantayan ang magandang record ninyo sa pagiging barrio captain noon, hindi ko naman kayo ipapahiya.”

“Alam ko iyan, anak. Siyanga pala, aalis ka raw ngayong umaga, sabi ng Inay mo, kaya hindi ka muna sasabay sa amin sa pagsisimba?”

“Oho. Mamayang hapon na lamang ako sisimba. Pupuntahan ko kasi ang boundary ng Awitan at Salvacion. Dahil may nakarating na report sa akin na may bundok daw ng basura roon na dalawang araw na nilang napapansin. Ang kasama ko ho ay si Kagawad Mang Tino. Doon po kami sasakay sa owner jeep niya.”

Napailing si Bernardo. “Ganyan din ako noon. Kahit Linggo, nagtatrabaho para sa barangay. Sige, anak.”

“Hihintayin ko lang ho si Mang Tino, Itay. Dadaanan niya ako.”

SA mansiyon ng mga Legaspi, gintung-ginto ang araw ng Linggo para kay Francis. Puwede siyang magpatanghali sa kama. Gagawin niya ang swimming exercise niya sa kanilang malaking swimming pool. Magbabasa siya ng mga paboritong libro habang nakikinig rig jazz music sa library. Magla-lunch siyang kasabay ang kanyang papa at mama. Sa hapon naman ay pupunta siya sa clubhouse ng Forbes Place para maglaro ng tennis. Ang mga kabarkada niya sa sport na ito ay mga miyembro rin ng The Zodiac Club. Sina Jonvi, Ian, Michael, Larux at Lorenzo. Kahit hindi mga taga-Forbes Place ang mga ito ay dumadayo sila sa clubhouse. Wala namang problema dahil bilang guests ni Francis ay maaari silang gumamit ng tennis court anumang oras. Alas-tres ng hapon na nang nakarating si Francis sa clubhouse. Naglalaro na ang apat, sina Ian, Jonvi, Larux at Lorenzo. Wala pa si Michael na dahil latecomer din na tulad ni Francis, ay siguradong siya nang magiging ka-partner ni Francis sa match.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

3 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 5”

  • 1 yas says:
    June 1, 2009 at 3:42 pm

    what a nice story!!!!!!!!!!!!!

  • 2 chica_15 says:
    February 28, 2010 at 4:05 pm

    …ang ganda sna gwa pa phoe kyo ng mdmi hehehe….!!!

  • 3 pazawaiy_19 says:
    January 13, 2012 at 7:25 pm

    uhm. .2 storie nlang ung nde que pa nba2sa sna mgkaruon pa ng bg0ng storie dito nde kc aque mkapasuc dun sa bg0ng site niu iih. , =(

Mag-iwan ng mensahe...