Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 5

Binuksan ni Kagawad Tino ang hood ng jeep. Tumabi naman sa kanya si Francis at tumunghay na rin sa makina.

Si Nevada ay walang magawa kundi maghintay, nakaupo sa tabi ng driver’s seat ng owner jeep.

Nakadama na siya ng paghihimagsik. O maaari ring pagkaaba na ang nararamdaman niya. Kanina kasi ay talagang masakit na diretsahang nagparatang si Francis Legaspi na silang mga taga-Awitan ang bumaboy sa lugar na ito.

Ganoon ba ang mayaman? Madaling humusga? Dahil ba sila ay mahirap, kaagad nang iisipin ni Francis na sila ang salaula?

At ngayon na nasira pa ang kanilang lumang sasakyan, di lalo na silang naging pathetic o kaawaawa?

Narinig niya ang usapan ng dalawang lalaki sa harapan ng tumirik nilang sasakyan.

“Hawakan ninyo ang wire na iyan, Kagawad Tino. Ako ang mag-i-start,”sabi ni Francis.

Biglang naalerto si Nevada. Sasakay si Francis sa jeep, sa driver’s seat. Mapapatabi ito sa kanya.

Inayos niya nang husto ang kanyang pag-upo. Pinatuwid niyang lalo ang kanyang slim na katawan. At kahit nakaakyat na sa jeep si Francis ay hindi siya tumitingin sa direksiyon man lang ng driver’s seat.

Pero gayong ang mga mata niya ay wala kay Francis, buhay na buhay naman ang pakiramdam niya. Damang-dama niya na magkatabing-magkatabi sila nito. Dahil ang owner type jeep ni Kagawad Tino ay hindi standard ang laki, maliit lang ito at masikip ang mga upuan, ang tendency talaga ng mga sakay ay magkadikit.

Hindi pa nga naiwasan ni Nevada na ang sulok ng kanyang mata ay mapatingin sa bare legs ni Francis. Naka-tennis outfit kasi ito, all white. At nang umupo ay umikli pa lalo ang shorts, lantad na lantad tuloy ang mahahaba at maskulado nitong mga hita na nababanigan ng mga pino pero maiitim na balahibo.

Kinilabutan si Nevada.

Parang nag-iba ang temperatura niya, hindi niya alam kung bakit.

Dahil ba ngayon lamang siya nakakita up-close ng mga legs ng lalaking guwapo?

Kapag gumagalaw ang mga binti ni Francis dahil nga sa pagpupumilit na mapa-start ang sasakyan ay nababanat ang maikling shorts nito.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

3 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 5”

  • 1 yas says:
    June 1, 2009 at 3:42 pm

    what a nice story!!!!!!!!!!!!!

  • 2 chica_15 says:
    February 28, 2010 at 4:05 pm

    …ang ganda sna gwa pa phoe kyo ng mdmi hehehe….!!!

  • 3 pazawaiy_19 says:
    January 13, 2012 at 7:25 pm

    uhm. .2 storie nlang ung nde que pa nba2sa sna mgkaruon pa ng bg0ng storie dito nde kc aque mkapasuc dun sa bg0ng site niu iih. , =(

Mag-iwan ng mensahe...