Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 5

Nagkakaganito ba siya kay Nevada dahil nahahamon siya ng personalidad nito o dahil hindi pa niya ito nagiging kaibigan? Baka naman dahil kakaiba ang ganda nito kung kaya’t kahit hindi pa sila nagkakahulihan ng loob ay naaakit na siya?

Talagang ni hindi na umiingit ang makina kapag pinipihit ang ignition, at para na rin makalayo kay Nevada, bumaba na lamang sa jeep ni Kagawad Tino si Francis.

“Kagawad Tino, ihahatid ko na lang po kayo. Para makakuha na lamang kayo ng mekaniko na titingin nitong jeep ninyo. Hindi ko rin ho kaya ang sira nito, e,” sabi niya sa matanda.

“Mabuti pa nga. Babalikan ko na lang itong sasakyan ko, isasama ko si Maning. Iyon ang kumukutingting nitong Jeep ko pag hindi ko kaya ang diperensya.” Tinawag na ng matandang kagawad si Nevada, sasakay na lamang daw sila sa kotse ni Francis, magpapahatid.

Napangunahan na siya ng pagpapasiya ng matanda kaya para hindi ito mapahiya, hindi na lamang tumutol si Nevada.

Iniwan muna nila ang owner type jeep.

Lumapit sila sa magarang sasakyan ni Francis.

Maginoo ang binata, binuksan muna nito ang pinto ng sasakyan para kina Nevada at Kagawad Tino.

Magkatabi pa rin sina Nevada at Francis sa harap. Pareho pa rin silang naiilang at lihim na naaapektuhan ng malapit na presensiya ng isa’t isa.

Dahil aircon ang loob ng CR-V, langhap ni Nevada ang mabining bango ng cologne ni Francis.

Ang nalalanghap naman ni Francis kay Nevada ay hindi pabango o cologne. Simple at ordinaryong bango lamang ng sabon at shampoo. Palatandaan na kaninang umaga ay naligo si Nevada.

Nagtataka si Francis. Ordinaryong bango ng sabon at shampoo, pero ang sarap-sarap na sa kanyang ilong.

Parang natuklasan niya tuloy na ayaw pala niya sa babaing mga imported at matatapang na pabango ang umaailangasaw sa katawan. Ang gusto pala niya sa babae ay iyong basta amoy bagong paligo lamang.

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

3 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 5”

  • 1 yas says:
    June 1, 2009 at 3:42 pm

    what a nice story!!!!!!!!!!!!!

  • 2 chica_15 says:
    February 28, 2010 at 4:05 pm

    …ang ganda sna gwa pa phoe kyo ng mdmi hehehe….!!!

  • 3 pazawaiy_19 says:
    January 13, 2012 at 7:25 pm

    uhm. .2 storie nlang ung nde que pa nba2sa sna mgkaruon pa ng bg0ng storie dito nde kc aque mkapasuc dun sa bg0ng site niu iih. , =(

Mag-iwan ng mensahe...