Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 7

Nang dumating siya sa Awitan ay sumasakay na ang mga bata sa bus. Dahil may sitting arrangement naman at bawat adult na kasama ay may kopya nito, hinanap na lamang niya ang kanyang seat number.

Siya ay naka-assign sa Bus number 2. Seat number 20.

Masigla siyang sumakay sa Bus number 2. Napuno na ito ng mga bata.

Pagbungad niya sa loob, sigawan kaagad ang mga bata.

“Ay! Pareho kayo ng damit ni Ate Nevada!” Halos ganito ang lahat ng narinig ni Francis.

Napatingin siya kaagad sa hulihan ng mga upuan.

Nagkatinginan sila ni Nevada, napatanga sa isa’t isa.

Para nga silang nakauniporme. Bench T-shirt din ang suot ni Nevada, powder blue ang kulay at nakamaong pants din ito na hindi nalalayo sa shade ng maong pants ni Francis.

Tawanan ang mga bata, nangangantiyaw. Pati nga ang driver ng bus ay nakangisi rin sa kanila.

Patay-malisya lang si Francis, kunwari ay no big deal ito. Ano ba naman ang diperensya kung nagkapareho sila ng damit? May tinatawag naman talagang coincidence.

Kaswal lang na lumapit siya sa upuan niya sa tabi ni Nevada. Ang puwesto niya ay malapit sa bintana, si Nevada ay nasa bandang middle aisle ng bus.

“Hi!” bati niya sa dalaga.

Bumati rin naman ito. “Hi!”

At nag-give way ang mahahabang legs ni Nevada para naman makadaan si Francis papunta sa upuan niya.

Nang umupo si Francis ay nagsimulana siyang maasiwa. Hindi niya mabanggit-banggit kay Nevada ang coincidence ng kanilang mga damit, napapansin niya kasing nagpapatay-malisya rin si Nevada. Hindi rin yata nito gustong banggitin na nagkapareho pa sila ng suot.

May mga bata pa rin na palingun-lingon sa kanila, natatawa pa rin dahil nga para silang nag-usap ng isusuot.

Nang tumingin si Francis sa mga paa ni Nevada, napatanga na naman siya. Pareho rin silang naka-rubber shoes!

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

Mag-iwan ng mensahe...