Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 7

Natagpuan niya ang sariling humahanga sa kinakain niya.

Nakangiti na naman sa kanya si Francis. “Well?”

Kumagat muna siya ng isa pa at lumunok, bago nakasagot. “Ang sarap nga.”

“I told you.”

Nakalimutan na pansamantala ni Nevada ang mga hangups niya kanina kay Francis. Natangay siyang masarap na submarine sandwich. Kumagat pa ng isa, mas malaki. Tuloy, ang sauce ng sandwich ay kumalat sa gilid ng kanyang mga labi.

Nakita ito ni Francis, At parang natural na lamang na dumampot ito ng napkin na nakapatong sa kanyang hita at maingat na pinahid ang nagmantsang sauce sa bibig ni Nevada.

“Meron pa…” Paulit-ulit na nagpapahid si Francis, tinitiyak na luminis uli ang gilid ng mga labi ng dalaga.

Namamalik-mata naman si Nevada.

Hindi niya inaasahan. iyon.

Ganito ba talaga ang lalaking ito? Ganito nga ba ang nasa ilalim ng zodiac sign na Cancer na gaya ng sabi ng nanay niya, caring and nurturing?

Nagmistula siyang bata sa mga sandaling ito, bini-baby ng isang lalaking may oras na kanyang kinaiinisan, may oras naman na kanyang hinahangaan.

“Uuuuyyyyy'” Sabay sabay na panunukso ang pumukaw sa kanilang dalawa.

Ang mga pilyong bata pala ang namumuno ng panunuksong iyon. Nakalingon ang mga ito sa kanila.

Napapahiyang iniilag na ni Nevada ang mukha niya sa kamay ni Francis.

Napatikhim naman si Francis, umayos ng pagkakaupo, bumalik sa pagkain ng sandwich at pag-inom ng juice.

Ang pagkailang ay natakpan lamang nang kailangan na nilang bumaba sa bus dahil nasa Manila Zoo na sila.

Nabuhos sa mga bata ang atensiyon ng dalawang barangay captain. May kanya kanya silang grupo ng bata.

Ganoon din ang mga adult assistants nila.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

Mag-iwan ng mensahe...