Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 8

Magaganda ang kuha ni Nevada, malinaw at bagay kay Francis ang mga candid shots na ninakaw niya.

“Sa mga bata lang.”

Nadismaya si Francis. “Sa akin, hindi?”

Nagtaas ngkilay si Nevada, sinadyang sugatan ang pride ng binata. “Paano ako magpapaliwanag sa future boyfriend ko kung magtatago ako ng pictures ng ibang lalaki?”

Daig pa ni Francis ang nasampal. Walang kibong inilagay niya ang sobre ng mga litrato at negative sa kanyang Italian leather clutch bag.

Tumayo na siya at isang matigas na anyo ang ipinakita niya kay Nevada. “Huhulaan ko kung ano ang mga katangian na hinahanap mo sa future boyfriend mo. He must be detached, unfeeling and isolated. Dahil ayaw mo ng lalaki na kabaligtaran nito.”

Hindi sumagot si Nevada. Matalim ang mga mata nitong nakikipagtitigan kay Francis. “From now on, if we talk, it must be strictly on our job only. Walang lalabis.” At tuluy-tuloy nang lumabas sa barangay hall ng Awitan ang lalaki, nagmamadaling sumakay sa kanyang kotse at ilang sandali pa ay para na itong bulang naglaho.

May luhang sumungaw sa sulok ng mga mata ni Nevada. Pero hanggang doon lang iyon, hindi na niya pinayagang matuloy pa ang paglaglag nito. Kontrolado pa rin niya ang lahat.

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

8 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 8”

Mag-iwan ng mensahe...