Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 8

Sa loob lamang ng sampung minuto ay nakatapos na silang kumain. Nagmamadaling iniligpit ni Nevada ang mga kalat nila. Natabig naman niya ang magkatabing backpacks nila ni Francis sa upuan, nahulog tuloy ang mga ito sa lupa. At nahulog din ang mga nakabalot ng plastic sa pocket ng backpack.

Si Francis ang dumampot sa mga backpacks at ibinalik ang mga nakabalot na plastic sa pockets.

Hindi na nila inusyosong mabuti ang kanilang backpacks. Naghahabol na sila sa oras para maigiya ang mga bata sa labas ng Manila Zoo at pasakayin sa bus.

Makaraan ang isang oras ay ang mga paintings naman sa art galleries sa Megamall ang umaliw sa mga bata.

Sina Nevada at Francis man ay nalula sa ganda ng mga paintings. Tahimik lamang nilang pinag-aralan ang mga kuwadro.

Pero apat yata sa mga galleries na pinasok nila na ang mga may-ari ay kilala si Francis.

Nagulat pa nga ang mga ito.

Ang sabi pa nga ng isang may-edad na lalaki na halatang proprietor ng art gallery na iyon kay Francis, “Francis! Ang tagal na kitang inaanyayahang sumilip dito sa gallery ko at baka may magustuhan ka, ngayon ka lang naligaw! So what’s up?”

“George, I’m with this group. Itinu-tour namin ang mga bata.” Kaswal lang ang sagot ni Francis.

“O baka naman may magustuhan ka para maidagdag sa koleksiyon ng inyong pamilya?”

Tumingin si Francis sa isang abstract painting na very contemporary. “Actually, I need one for my music room in the house. I think I like that.”

“Another Malang?”

“He’s one of my favorites.”

“O, paano?”

“I-fax mo na lang sa akin ang price then I’ll send the check. Hindi ako puwedeng maabalang masyado for my personal business dahil nga I’m with the children.”

Nakaunawa naman ang gallery proprietor at hindi na nga inabala si Francis.

Ang iba pang galleries na kilala ni Francis ang may-ari ay hindi naman niya binilhan ng paintings. Sandaling kuwentuhan lang.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

8 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 8”

Mag-iwan ng mensahe...