Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 8

Napakagat-labi pa nga si Nevada nang ma-imagine iyon. “Oh, God… nakakahiyaaa!”

Si Francis naman ay hindi makapaniwala, napapantastikuhan. “How come that fighting lady wanted to smell me?”

Nagkasaulian din naman sila ng T-shirt. Pero nag-utos na lamang sila ng magdadala.

SA tulung-tulong na pagbabantay ng mga taga-Awitan at taga-Salvacion ay natuklasan na hindi lang naman pala mula sa iisang panig ang nagtatapon ng basura sa boundary ng dalawang barangay.

May nahuling mga taga-Awitan na unang nagtapon. May nahuli ring mga maids sa mga mansiyon sa Salvacion na nagtapon din. Kaya naman pala natambak ang mga basura.

Muling nagkita sina Nevada at Francis para pag-usapan nang maayos ang kanilang natuklasan. Sa barangay hall ng Awitan sila nagmiting.

“Mali pala ako, Nevada, na ang mga taga-Awitan kaagad ang pinagbintangan ko. May mga culprits din naman pala sa mga taga-Salvacion.”

Tapat ang paghingi ng paumanhin ng Cancer man.

“May kasalanan din ako. Kayo rin lamang ang pinagbintangan ko, totoo naman pala na may mga taga-Awitan din na bumaboy sa lugar na iyon.”

“Give me five!” Simpatikong-simpatiko ang ngiting makikipag-high five si Francis.

Nakatawang nakipag-appear si Nevada sa binata.

May inilabas si Francis, “Ibibigay ko na sa iyo itong mga kopya mo ng pictures natin. I have my own copies at home.”

Tiningnan kaagad ni Nevada ang mga iitrato. “Ang gaganda naman ng mga kuha mo, Francis.”

“You are beautiful. You are a photographer’s delight,” sabi ni Francis na nakatitig sa dalaga.

Namula naman si Nevada, umirap. “Mas nagagandahan ako sa mga kuha mo sa mga bata.”

“Hindi ka pala gaanong nagagandahan sa mga kuha ko sa iyo. Alam mo bang ipinakita ko ang mga ito sa mga co-members ko sa The Zodiac Club at talagang nakikiusap ang mga ulol na ipakilala ko raw sila sa iyo? I’m not kidding, Nevada. At hindi rin iyan bola. Hindi na nga sila maka-paghintay sa Barangayan natin dahil gustung-gusto ka na nilang makita. Sa totoo lang, ayoko na tuloy silang imbitahin.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

8 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 8”

Mag-iwan ng mensahe...