Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 9

NAGTATAKA man ang mga ka-miyembro ni Francis sa The Zodiac Club kung bakit kapag nagha-hang out sila sa paborito nilang lugar ay alak ang inaatupag ng binata, matagal bago kumibo ang mga ito.

“Ano ba ang problema, pare?” Ang unang nagtanong, sa tono na “kaibigan mo naman kami, pare, share us your trouble,” ay si Reuben, ang Leo sa The Zodiac Club.

“Am I that transparent? Basang-basa ba ninyo talaga ako?” Mapaklang ngumiti si Francis sabay tungga ng alak sa kanyang wine glass.

“Dati, kapag naririto tayo, nasa dart room ka lang palagi. Doing your favorite trick in dart-throwing. Hindi normal sa iyo itong isang bote ng matapang na alak ay inubos mo, Francis,” puna naman ni Henarez, ang Scorpio sa kanilang club.

“Bakit ba parang ayaw mo nang mapag-usapan natin iyong magandang barangay captain sa Awitan?” Diretsahang nagtanong si Luke, walang sere-seremonyas. Siya ang Virgo man.

“To hell with her!” Halos isinigaw ito ni Francis. Tinapik-tapik ni Cromwell sa balikat ang kanilang kaibigan. “We thought you love her.”

“Nakakita na ba kayo ng babae na ayaw na may nagmamalasakit sa kanya, ayaw na may naaaliw sa kanya, ayaw na may nagmamahal sa kanya? Siya iyon!” Maemosyon ang sinabi ni Francis. Tumatalab na ang alak.

“Francis, wala naman yatang babaing ganoon. Women just love to be loved. Kahit nga hindi nila gusto ang suitor nila, kapag may nililigawan na itong iba, nagseselos pa ang mga iyon, e. They are suckers for love and attention, pare. Ganoon ang mga babae.” Sumagot si Meldon, na bilang may-asawa ay iniisip niyang mas malawak na ang karanasan niya sa babae. Siya ang unang sign ng Zodiac, ang Aries.

“Not Nevada! Never Nevada, pare! E, kahit nga sorry, bawal doon, e! Nag-sorry na nga ako sa hindi ko naman kasalanan na nangyari noong panahon pa ni Kopong-kopong, aba… parang mali pa iyong ginawa ko! Ininsulto pa ako, may sinabi pang future boyfriend niya… shit talaga!” Ang guwapong mukha ni Francis ay halos matabingi sa sama ng loob.

Ngumisi si Lorenzo, sumipol ng wedding march.

Pinandilatan siya ni Francis. “Stop it, Lorenzo!”

“Pero, Francis… that’s love! At base sa mga karanasan nina Meldon, Cromwell at Elliott, saan pa ba patungo ang ganyan katinding damdamin… di sa kasalan?”

Mga Pahina: 1 2 3 4

3 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 9”

  • 1 cathy says:
    August 23, 2009 at 4:17 pm

    ang ganda talaga ng istorya,.. sobra!!! sana sabihin nyo sa akin kong may bago kayong tagalog pocketbooks,.. ha???? aasahan ko yan,.. ang ganda talaga sobra !! hindi ko to makakalimutan,… sana mag send kayo ng bagong romance novel sa email ko,… aasahan ko yan,..

  • 2 cathy says:
    August 23, 2009 at 4:21 pm

    ,… sana maging katulad din ako sa novel,.. ,.. sana maging maganda din ang lovelife ko,.. pagdating ng araw,.. Who knows!!???? diba???? sana gwapo at disente din ang makakatuluyan ko,… (-_-) ,… im always hoping na matatagpuan ko rin ang lalaking para sa akin,.. … ganda talaga ng istorya,.. sana may bago pa.

    • 3 wadz says:
      June 12, 2010 at 11:46 am

      ang ganda kaso bitin…..bat mahilig kau mambitin?…kung may sakin sa puso ang magbabasa nito….aatakihin sa inyo..hmmpppp…hehehehe..tc…

Mag-iwan ng mensahe...