Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 9

“Magpapakasal ako‚Ķ pero sa ibang babae! Never Nevada, mga pare! Never Nevada!”

Tawanan ang mga kausap ni Francis.

“Never Nevada? Hindi kaya, marry Nevada ang ibig mong sabihin?” Nangangantiyaw pa si Michael na kilala rin bilang Libra Hunk.

“Hindi ko kayo imbitado sa Barangayan. Hindi kayo nakikisimpatiya sa akin, e.” Para nang batang nagtatampo si Francis sa mga kaibigan at co-members, apektado pa rin ng nainom na alak. “Baka natatakot ka lang na magka-crush kami kay Nevada kaya ayaw mo kaming imbitahin. Sa pictures, ang ganda niya, e. Who knows, baka nga magka-crush kami?” Namimikon pa lalo si Lorenzo, ang Capricorn.

“Why not!? Sige, inyo na siya! Sige, dadalhin ko kayo sa Barangayan. At okey lang sa akin kahit palit-palit kayo sa pagsayaw sa kanya. Bumili kayo ng maraming tiket na ang bayad ay mapupunta sa mga charity works namin sa Awitan, ha? At isayaw ninyo nang isayaw si Nevada! I swear, hindi ako maiinis! Burado na siya sa akin! Nawala na iyong konting pagtingin ko sa kanya! Kung gusto ninyo ay sasabihin ko pa sa kanya na sa Barangayan ay dapat niya kayong i-accommodate dahil malaking pera rin ang bibilhin ninyong tiket para lang ninyo siya maisayaw!”

Nagtanguan naman ang mga co-members ni Francis sa The Zodiac Club.

“Sounds exciting. Para palang sayawan sa probinsiya din iyan. May tiket-tiket pa,” puna ni Michael.

“Pagkatapos ng ibang programa, sayawan na.” Kahit lasing ay parang malinaw pa rin ang isip ni Francis sa detalye.

“At hindi tatanggi ang dalagang isasayaw namin basta may tiket kami?” tanong ni Ian.

“Mahal ang tiket. Para sa charity. Bakit tatanggi?”

Nagngisihan na ang lahat. Dadalo sila sa Barangayan, sigurado iyon.

LIMANG araw bago ang Barangayan ay nagulat si Nevada nang tawagan siya ni Francis sa barangay hall ng Awitan.

Pormal ang boses nito. “Ipaaalam ko lang na kumpletong dadalo ang mga cchmembers ko sa The Zodiac Club. Kahit ang mga may-asawa na.”

“That’s good.” May ligayang pumuno sa dibdib ni Nevada. Pangit ang huling pag-uusap nila ni Francis. Ang gusto sana niya ay bumalik sa dati ang pakikitungo nito sa kanya. Naguguluhan lang naman kasi talaga siya noon kaya para niyang gustong itulak palayo ang binata.

Mga Pahina: 1 2 3 4

3 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 9”

  • 1 cathy says:
    August 23, 2009 at 4:17 pm

    ang ganda talaga ng istorya,.. sobra!!! sana sabihin nyo sa akin kong may bago kayong tagalog pocketbooks,.. ha???? aasahan ko yan,.. ang ganda talaga sobra !! hindi ko to makakalimutan,… sana mag send kayo ng bagong romance novel sa email ko,… aasahan ko yan,..

  • 2 cathy says:
    August 23, 2009 at 4:21 pm

    ,… sana maging katulad din ako sa novel,.. ,.. sana maging maganda din ang lovelife ko,.. pagdating ng araw,.. Who knows!!???? diba???? sana gwapo at disente din ang makakatuluyan ko,… (-_-) ,… im always hoping na matatagpuan ko rin ang lalaking para sa akin,.. … ganda talaga ng istorya,.. sana may bago pa.

    • 3 wadz says:
      June 12, 2010 at 11:46 am

      ang ganda kaso bitin…..bat mahilig kau mambitin?…kung may sakin sa puso ang magbabasa nito….aatakihin sa inyo..hmmpppp…hehehehe..tc…

Mag-iwan ng mensahe...