Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 9

“Interesado sila sa sayawan portion. Iyong bawat sayaw, worth fifty pesos na tiket, para sa charity sa mga taga-Awitan,” dugtong pa ni Francis, sa boses pa rin na detached.

“Ganoon ba?” Pagsakay naman ni Nevada sa usapan. Hindi niya gaanong iniintindi ang topic nila, ang pagtawag sa kanya ni Francis ang pinakamahalaga sa ngayon.

“You have to accommodate them all, Nevada. Sayang din naman ang mga tiket nila. Handa silang bumili kahit ilan. Basta maisayaw ka lamang nila. I think they all have a crush on you. Kahit ang mga may asawa sa kanila.”

Napatanga si Nevada. Pakiramdam niya ay binagsakan siya ng mundo.

Tama ba ang narinig niyang sinabi ni Francis?

You have to accommodate them all, Nevada. Handa silang bumili kahit ilang tiket. Basta maisayaw ka lamang nila. They all have a crush on you.

Nagkapunit-punit ang puso ni Nevada. Ano siya, puta? Ano siya, ipinamimigay ni Francis sa mga kaibigan at co-members ng club nito?

Bakit noon, parang nagseselos pa nga si Francis — ayaw nito na tnagpi-flirt sa kanya ang mga kaibigan nito? Pero ngayon, para na siyang “ibinebenta” ni Francis.

Ipinagdiinan pa ni Francis na ang lahat ay para naman sa charity works nila sa Awitan.

Ganoon na pala kaliit ang pagtingin sa kanya ni Francis. Gaano ba kalaki ang galit nito ngayon sa kanya at halos gusto na siya nitong tapakan?

Kung kailan pa naman na-realize niya na tama lamang subukin na mapalawig nila ni Francis ang umuusbong na pagtingin nila sa isa’t isa.

Nayayanig ang dibdib na sumagot si Nevada, umiiral na ang pagrerebelde niya. “Okey, Francis. Ipinangangako ko, hindi mabibigo sa Barangayan dance ang mga kaibigan at co-members mo. I’ll surely accommodate them all. Lahat sila, pasasayahin ko. I’ll make sure na magugustuhan nila ang pagsayaw nila sa akin.”

Sa kabilang linya, sa bahay ni Francis, dumilim lalo ang mukha ng lalaki.

Naisip niya, palaban pala si Nevada.

Isipin mo, nangako pa na pasasayahin ang labing-isang kaibigan at co-members ko sa The Zodiac Club. Kung matino ba naman ito, di sana ay naisip man lang niya na kapag ginawa niya ito ay para na rin siyang belyas sa mga mumurahing club?

Ang babaing matino, kahit ha charity dance iyan, ay Hindi mangangako na all-out siyang makikipagsayaw sa labing-isang lalaki na puro guwapo at makisig.

Mga Pahina: 1 2 3 4

3 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 9”

  • 1 cathy says:
    August 23, 2009 at 4:17 pm

    ang ganda talaga ng istorya,.. sobra!!! sana sabihin nyo sa akin kong may bago kayong tagalog pocketbooks,.. ha???? aasahan ko yan,.. ang ganda talaga sobra !! hindi ko to makakalimutan,… sana mag send kayo ng bagong romance novel sa email ko,… aasahan ko yan,..

  • 2 cathy says:
    August 23, 2009 at 4:21 pm

    ,… sana maging katulad din ako sa novel,.. ,.. sana maging maganda din ang lovelife ko,.. pagdating ng araw,.. Who knows!!???? diba???? sana gwapo at disente din ang makakatuluyan ko,… (-_-) ,… im always hoping na matatagpuan ko rin ang lalaking para sa akin,.. … ganda talaga ng istorya,.. sana may bago pa.

    • 3 wadz says:
      June 12, 2010 at 11:46 am

      ang ganda kaso bitin…..bat mahilig kau mambitin?…kung may sakin sa puso ang magbabasa nito….aatakihin sa inyo..hmmpppp…hehehehe..tc…

Mag-iwan ng mensahe...