Share Your Love!

Santi Sixto – Kabanata 1

Mainit ang araw pero napuprotektahan naman ng payong si Arabella.

Si Sixto naman ay protected din sa nakaka-damage na sikat ng araw, naka-long-sleeved shirt siya at sumbrerong balanggot.

“Kung hihintayin kitang umuwi, Sixto, lalamig na ang pizza. Sayang naman, bagong concoction ko ito na kagagaling lang sa oven.”

Inamoy ni Sixto ang spaghetti lalo na ang pizza. “Smells good, wow!”

“Pinaghalong ground beef, chicken meat and pork na may pineapple tidbits and mozzarella cheese ang toppings, sabi ng mga kapatid mo ay super-sarap.”

Kinagat agad ng binata ang mainit pa ngang pizza.

Two-thumbs up siya sa ina nang malasahan. “Greaattt! Masarap po talaga, Mommy!”

Sumungaw ang ngiti sa mga labi ng ina, mababaw ang kanyang kaligayahan. “Kainin mo rin ‘tong spaghetti bago ka magtrabaho.”

“Okay,” sagot ni Sixto habang napapangiting pinakikiramdaman ang susunod na sasabihin ng ina.

Alam naman kasi niyang bukod sa dinalhan siya ng pagkain ng ina ay may iba pa itong kailangan sa kanya.

Na halos alam na naman niya.

Pero ang mommy niya ay halatang ayaw pang magsalita, siya naman yata ang tinatantiya.

Inubos naman niya ang pagkain nang hindi nabulunan. Hinayaan niya ang ina na sinusuri ang kanyang taniman.

“Mommy, tapos na po ako!” Tinawag-kinawayan na niya ang ina.

Masiglang lumapit na si Arabella.

“Inumin mo ‘yung fresh buko juice, Sixto.”

“Tapos na po, inubos ko na.”

“Very well… now for the main event…”

“May sasabihin ka, Mommy?” Ano kayang main event, naitanong ni Sixto sa sarili. Tama kaya ang hula niya?

Mga Pahina: 1 2 3

21 responses to “Santi Sixto – Kabanata 1”

  • 1 dionabeth says:
    September 3, 2009 at 10:55 am

    ang cute ng kwento gnda po

    • 2 lumen says:
      September 9, 2009 at 9:02 pm

      ang ganda nman kaso bitin kailan po ang sunod na kabanata d na po ako makapag antay antagal nman po sana po my kasunod na kabanata na salamat po ng marami dahil dto po nakapagpapasaya po kau sa mga tao?

  • 3 duLce says:
    September 4, 2009 at 8:39 am

    wow…nice…interesting ung fLow ng story…

  • 4 GINA says:
    September 16, 2009 at 10:06 pm

    sana po ipost na nyo kasunod at nakakabitin…ganda pa naman ang story.Thanks po uli!!!

  • 5 ma says:
    September 21, 2009 at 1:27 pm

    waaaaaaa! bitin ang story! every week mag post ka ng new chapter! grrrrr.

  • 6 christine marie says:
    September 21, 2009 at 1:36 pm

    unsay sunod ani?!

  • 7 camille says:
    October 2, 2009 at 7:32 am

    ang ganda sana ma post pho agad ung mga kasunod….

  • 8 ciar-ciar says:
    October 11, 2009 at 8:58 pm

    .ang gnda nmn ng story,.alm nyo,basahin nyo din ung ky ara marea,kapatid un ni santi sixto,grabe,nakakakilig!!!!…habang nagkaklase kami sa statistics,nagbabasa aq ng pocket book,bigla na nga lang aq mapapangiti,,,hahaha,.cge,basahin nyo ung ara marea huh,.maganda un promiz,sa una prang ndi love story peu pg mga nsa klagtnaan na,.kikiligin n keo….GRABE…2thumbs up……!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    • 9 alma says:
      October 12, 2009 at 11:16 pm

      hay iha…mas nakakakilig ka.

  • 10 alma says:
    October 12, 2009 at 11:17 pm

    o ano na namang nangyari dito??? ala pa ring continuation? hala….naantok na ako sa kakahintay… im waiting.

  • 11 alma says:
    October 14, 2009 at 12:46 am

    isa pa to. di ba kayo naswelduhan at bakit di na nagawa trabaho nio?

  • 12 kim says:
    October 17, 2009 at 12:44 pm

    ah..grabeh.nakakabitin ang story..sunod na po..please…

  • 13 roma says:
    October 22, 2009 at 10:46 am

    plsssssssssssssssssss.
    publish nyo na susunod na chapter……
    nkakabitin na ha…..

  • 14 Bella says:
    October 24, 2009 at 12:51 am

    Bakit po parang hindi n kayo nagpo-post???
    Kelan nyo pa po balak mag-post???

  • 15 marlie says:
    October 26, 2009 at 10:15 am

    kailan po kaya ma post ang kasunod. may asawa na ako pero hindi pa rin ako nagsasawa na magbasa ng pocketbooks katula nito kaso kakabitin.sana naman ma post na plsssssssssssss. reading pocketbooks keep me and my partner always sweet.thanks for your story

  • 16 Ana says:
    October 31, 2009 at 9:31 am

    tagal naman!!!

  • 17 Ana says:
    October 31, 2009 at 9:32 am

    kailan nyo po balak i-post ung chapter 2??matagal na kasi ako naghintay.!!!!

  • 18 lara says:
    December 17, 2009 at 1:03 pm

    exciting ang story ha…i love it…

  • 19 jeje says:
    September 25, 2010 at 6:14 pm

    yeahhhh…
    bitin kaau….
    shada unta

  • 20 mae says:
    January 12, 2011 at 6:45 pm

    huhuhu bitin ang kwento

  • 21 Lorna Villena Mayuga says:
    January 31, 2011 at 8:47 pm

    kelan po sunod n kabata…bitin……

Mag-iwan ng mensahe...