Share Your Love!

Santi Sixto – Kabanata 13

SI SANTI Sixto ay parang mabuburyong na sa kunsumi. Bakit ba nagkaganito ang buhay niyang dati ay pribadung-pribado?

Ang tahimik niyang pagkatao ay ginagawa na ngayong pulutan ng media. Pati ang kanyang pagiging unnamed coverboy noon sa banyagang magazine na Global Weekly ay buong Pilipinas na yata ang nakakaalam.

Natural, nakapag-produce ang media ng cover ng Global Weekly na siya noon ang modelo na wala naman niyang permiso.

Muling inilathala sa mga diyaryo at magazines ang cover na iyon. Kumbaga ay naging komersiyal ang balita dahil talagang nilapa ng publiko.

Ang kulay ng romansa kasi ang dahilan.

Imagine, ang nag-iisang anak ng isang multi-milyonaryong pilantropo sa Amerika ay nakabase na sa Pilipinas at dito na tumutulong sa mga mahihirap, dahil naakit ito noon pa sa binatang Pilipino na kahawig ng nobyong namatay?

ARAW-ARAW ay may taga-media na nag-aabang sa Santiara. Sina Arabella at Santi ang magiliw at magalang na tumatanggi sa mga ito tungkol sa kagustuhang ma-interview ang kanilang binata.

“Sorry, ladies and gentlemen. Wala talagang pinagbibigyan na reporter ang aming anak. Wala siyang balak na pa-interview kahit kanino.” Ni minsan ay hindi nagsusuplada si Arabella sa media, kahit nakakapagod din ang araw-araw na paulit-ulit na pagtanggi.

“Ma’am, kailan kaya maintindihan ng inyong anak na ang publiko ay kailangan din namang isipin niya. Ang babaing nagkakagusto sa kanya ay public figure na rin dahil sa estado nito, the least he could do is answer some basic questions. Gaya ng hindi ba siya naaawa kay Ms. Johnson na may ibang taga-media na ipinalalabas na siya ang naghahabol sa inyong anak?”

Natigilan si Arabella.

Bilang babae ay apektado siya sa negatibong image na napapala ni Marissa Carrera Johnson sa sitwasyon na ito.

“Si Marissa ay naging kaibigan ko muna bago sila nagkaharap ng anak ko. Honestly, I like her very much. I respect her being a very charitable young lady. Huwag naman sanang bigyan ng masamang kulay ng ibang taga-media ang ginagawa ni Marissa. Hindi niya kasalan kung siya ay magkaroon ng interes sa isang lalaki na kahawig na kahawig ng kanyan pinakamamahal na nobyo. Sino mang babaing lalagay sa kanyang katayuan ay gagawin din ito.”

Mga Pahina: 1 2 3

2 responses to “Santi Sixto – Kabanata 13”

  • 1 dionabeth says:
    November 25, 2009 at 10:07 am

    bitn ung story….sori

  • 2 nhie says:
    November 25, 2009 at 2:41 pm

    ay bitin……next chapter please…….

Mag-iwan ng mensahe...