Share Your Love!

Santi Sixto – Kabanata 13

“Ma’am, kung magsasalita nga ho sana si Santi Sixto, kung siya mismo ang magtatanggol kay Ms. Johnson, it will help a lot to wipe out the negative image of Ms. Johnson now.” Ang reporter na ito ay umaasa na siya ang makakaunang mag-interview kay Santi Sixto.

Nalungkot si Arabella.

Gusto man niyang tulungan si Marissa ay hindi naman niya magawang utusan si Santi Sixto sa isang bagay na alam niyang tatanggihan nito.

“My son is a very private person. He is old enough and he doesn’t need a mother to decide for him. Sa ngayon, ayaw niyang magpa-interview, iyon lang. Ang masasabi ko lang, apektado din naman ang anak ko. Mula nang pumutok ang balita, halos hindi na siya maaring lumabas.”

At magalang nang isinara nina Arabella at Santi ang gate ng Santiara.

Malungkot at maligalig silang naglakad patungo sa malaking bahay.

“Araw-araw na lang ba, Santi, ganito tayo? Si Sixto pa na ayaw ng high-profile na buhay ang nagkakaganito. Hindi ko talaga akalain na magiging kakaiba pala ang istorya ng buhay ni Sixto. Para siyang hinahamon, kung ano ang ayaw niyang mangyari, siya namang nagaganap. Kulang na lamang ay magpatayan ang media sa pag-aagawan ng maisulat sa kanya, kahit pa hindi siya nagpapa-interview.”

Buong pagmamahal na inakbayan ni Santi ang asawa. “Ang mga anak natin, gaya rin nitong ating tahanan, ay tila ayaw talagang bigyan ng Diyos ng ordinaryo lamang na buhay. Aywan ko ba, Ara.”

“Nakakatuwa pero… mahirap din naman kung ganito tayo. Mula nang mangyari ito, si Santi Sixto ay parang galit na rin sa atin.”

“Nadadamay lang tayo. Wala na naman talaga siyang itinuturing na kakampi ngayon, e. Pero siya naman ay isang lalaki. He is a strong person. Kaya niya ito. Malalaman din niya isa sa mga araw na ito kung ano ang kahulugan ng pagdating ni Marissa Carrera Johnson sa kanyang buhay.”

SI SANTI SIXTO ay buo na ang loob.

Aalis muna siya sa San Simon. The heat is on sa lugar na ito. This is no longer for him.

Sumisikat na ang San Simon sa buong Pilipinas dahil sa kanyang kuwento at kay Marissa Carrera Johnson.

Ayaw na nga niyang magbasa ng mga diyaryo at magazines. Bantad na siya sa mga comments na siya raw ay suplado, walang damdamin.

Mga Pahina: 1 2 3

2 responses to “Santi Sixto – Kabanata 13”

  • 1 dionabeth says:
    November 25, 2009 at 10:07 am

    bitn ung story….sori

  • 2 nhie says:
    November 25, 2009 at 2:41 pm

    ay bitin……next chapter please…….

Mag-iwan ng mensahe...