Share Your Love!

Santi Sixto – Kabanata 17

“Pinangatawanan ni Marissa ang sinabi niya sa akin. Bilang kaibigan, kahit munting kontak ay hindi na niya ginagawa. Ako naman ay ganoon din. Nababasa ko na lamang siya sa diyaryo. Ang napapansin ko, ang ilap niya ngayon sa press. Wala na nga siyang bagong litratong nalalathala sa mga diyaryo,” dugtong ni Arabella.

“Wala ka na palang problema, Kuya Sixto.” Si Santi Ignacio na subteener ang nag-comment.

Patangu-tango lang si Sixto.

Kung tutuusin, magaganda naman ang mga balitang nalaman niya ngayon. Pumapabor sa kagustuhan niya na mabalik na talaga sa dati ang kanyang buhay.

Tahimik. Pribado. Simple. Walang nanliligalig.

Kung sakali ngang going smoothly na naman ang lahat, hindi pala siya nagkamali sa pag-uwi.

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3

4 responses to “Santi Sixto – Kabanata 17”

  • 1 lumen says:
    December 2, 2009 at 7:15 pm

    ano ba yan palagi na lang bitin …pwedi po bang pakihabaan nman…ganda pa nman ng story…tnx po?

  • 2 dionabeth says:
    December 3, 2009 at 12:58 am

    always btin namn ung kwento nya my good ness

  • 3 yobu says:
    December 3, 2009 at 5:11 am

    kainis na writer neto lageng bitin and upload ng mga kwento,mklipat n nga lng sa ibang site.Feeling maganda ang kwento!Che!!

  • 4 eizzy says:
    December 3, 2009 at 7:12 pm

    next chapter po..ty

Mag-iwan ng mensahe...