Share Your Love!

Santi Sixto – Kabanata 18

Ang ligayang nakikita niya sa mga taong sagad sa hirap at kanyang tinutulungan ay sapat na pampatibay sa kanyang dibdib.

Kung wala ang sobrang commitment niya ngayon sa pagtulong sa kapwa ay baka maigugupo siya ng pangungulila.

Hindi nga niya alam kung sino ang mas pinangungulilahan niya, e. Ang kanya bang nobyo na matagal nang patay?

O ang kahawig nito na buhay na buhay pa, hindi nga lang niya alam kung nasaan na.

Marahil ay pareho lang. But as long as there is work, she can survive.

Kausap na ni Marissa sa telepono ang coordinator niya sa relief works sa Visayas.

“Don’t worry. There is enough food coming. Padating na ang padala ng mga kompanya ng daddy ko. Kaya maari na nating simutin ang nasa warehouse natin.”

“Ma’am, kagagaling lang po ninyo sa malaking trabaho. If you want to rest, I can manage with the job.”

Umiling kaagad si Marissa. “No, Melita. Kaya ko ito. Don’t worry about me.”

Nang maibaba ni Marissa ang telepono, nagsermon uli si Manay Caridad. “Don’t worry about you? Marissa, kahit iyung pinakamaliit na size na pantalon mo ay para nang mahuhulog sa katawan mo kung suot. You are that thin! I’m so worried!”

“I’m okay, Yaya. I have to hurry up, ang dami pang gagawin! Stop making sermon muna, Yaya… I really have to go.”

“Parang kayang-kaya ka nang ilipad ng hangin, Marissa!” Pahabol na bulyaw ni Manay Caridad.

SI MARISSA ay dating may kutis-porselana. Maputi. Walang blemishes. Flawless talaga.

Pero ngayon ay parang sunog na siya sa araw. Sa layo kasi ng mga pinupuntahan nilang lugar ay walang masakyan, madalas ay naglalakad sila.

Gaya ngayon.

Si Marisssa at ang apat na volunteers sa kanyang foundation na dalawang lalaki at dalawang babae ay limang kilometro na ang nalakad.

May tatlong kilometro pa silang bubunuin.

Mga Pahina: 1 2 3

6 responses to “Santi Sixto – Kabanata 18”

  • 1 roma says:
    December 4, 2009 at 5:26 pm

    kainis naman eh!…..bat ba kasi di nalang tapusin agad?
    nakakabitin na kaya!

  • 2 eizzy says:
    December 4, 2009 at 5:55 pm

    hayy bitin po..ty next po plzzz

  • 3 dionabeth says:
    December 4, 2009 at 8:13 pm

    nakakainis talaga parang nang aasar yong writer kasi always bitin ung kwento nya at ang ikli pa.may goodness habaan nyo namn po kng pwede…

  • 4 andrie says:
    December 5, 2009 at 7:40 am

    bkit po dpa tapos? meron po b kyo kwento n tpos n agad? THANKS PO

  • 5 lumen says:
    December 5, 2009 at 12:09 pm

    palagi na lang bitin….chapter 17 na d pa tapos hanggang saan ang chapter nito kainis nman kakaikli pag nag post?

  • 6 mel says:
    August 24, 2010 at 3:02 pm

    ang ba8 nya,i lve her but she’s in sick,

Mag-iwan ng mensahe...