Share Your Love!

Santi Sixto – Kabanata 19

Kahit hindi na nakasali si Marissa sa pagdi-distribute ng mga pagkain at gamot, kuntento pa rin siyang nanonood sa mga bata na kumakain ng mga masustansiyang pagkain na dala nila.

She is so proud of them.

Ang laking tulong sa kanya ng mga ganitong tao. Habang nakikita niyang tumatatag ang mga ito sa kanyang tulong, nagkakaroon pa naman siya ng dahilan para mabuhay.

Dati, tumutulong siya dahil mayaman ang kanyang ama at obligado siyang mag-share.

Pero ngayon, tumutulong siya dahil mamamatay siya kung hindi niya gagawin ito.

Ang kawanggawa ang nagbibigay sa kanya ng dahilan para mabuhay pa.

Wala siyang suwerte sa pag-ibig, pero sa pakikipag-kapwa tao ay marami.

Ito ang hindi maintindihan ng kanyang Yaya Caridad. Pati nga ng kanyang Dad na isa nang pilantropo ay umaangal sa matinding commitment niya sa pagtulong.

Natural lang naman na mangayayat siya. Lagi silang naghahabol sa oras at napakarami nang trabaho, e.

Look at these kids. Kaydali nilang mapaligaya. Pagkain lang at hindi mamahaling mga laruan, iilaw na ang kanilang mga mata.

Hindi talaga siya makapaniwala na dati ay ginawa lamang niyang dahilan ang mga yagit na batang ito para makapag-base dito sa Pilipinas.

That was unfair. That was cruel.

Hindi na talaga mauulit na ang pagtulong sa kapwa para sa kanya ay hindi pangunahing layunin.

She will die in this commitment. Hindi na siya dapat maghanap ng iba pang kaligayahan. This is enough.

Nakatingin na pala kay Marissa ang mga volunteers.

“Tingin ko talaga kay Ms. Johnson ay maputlang-maputla.” bulong ng isa.

“Halos nakapikit na ang kanyang mga mata.” Worried din ang isa pang volunteer.

“This is not good. She is not okay!”

Mga Pahina: 1 2 3

3 responses to “Santi Sixto – Kabanata 19”

  • 1 GINA says:
    December 6, 2009 at 2:35 pm

    pkipost po sana agad ang kasunod….gumaganda na po kasi ang story….tnx po!!!

  • 2 eizzy says:
    December 7, 2009 at 12:22 am

    ahhh kakabitin talga..tnx sa mabilis na pag post ng chapter d kgya nun iba sotry..hehehe pizzzzzz…
    ganda po nito sa tuloy tuloy pag post….

  • 3 brokelyn14 says:
    December 7, 2009 at 12:40 am

    wew kakabitin paki habaan pls 🙁 request lng nman poh 😛 kung hindi nman mapagbigyan ok Lng 😛 i won’t push it 😛 salamat poh (“,)

Mag-iwan ng mensahe...