Share Your Love!

Santi Sixto – Kabanata 19

Nang sumubsob sa lupa ang wala nang malay-tao na si Marissa ay nagkagulo na.

Kailangang ibaba siya sa bundok para madala sa ospital. Dahil mahal siya ng mga taong tinutulungan, nag-iiyakan na ang mga ito.

Noong binubuhat ng mga volunteers si Marissa pababa ng bundok, saka nila na-realize na sobrang payat na pala ito.

Dahil hindi sila nahihirapan sa pagkarga dito. Para na lang timbang ng isang bata ang bigat ni Marissa Carrera Johnson.

At ang American-Mexican na dayuhan ay para nang papel sa kaputlaan.

ANG pagdala kay Marissa sa ospital ay nakunan ng press. Nagkaroon ng matinding simpatiya ang lahat dahil nitong mga nakaraang buwan ay talaga namang ang naging buhay ng mayamang dalaga ay puro kawanggawa lamang.

Ang isang close shot ng isang payat at sickly na si Marissa Carrera Johnson ang bumandera kinabukasan sa front page ng malalaking diyaryo at tabloids.

Ganito naman ang mga headlines:

Rich Lady Of Charity Needs Prayers

Heartbroken, Overworked Marissa Crumbled

Goddess of Charities Critical

Ang mga headlines ay mula sa pagiging dramatiko hanggang sa eksaherasyon.

Maraming nag-akalang kawawang-kawawa na talaga ang anak ng pilantropo, at ito ay dying na o… naghihingalo na.

SA SANTIARA, lahat ay nababahala para kay Marissa. Ang litrato nito sa mga diyaryo ay nakakapagdulot na ng kung anu-anong mga haka-haka.

Halos bulungan lang naman ang usapan ng lahat. Natatakot na maririnig sila ni Santi Sixto.

Alam nila na ang pangalan ni Marissa ay hindi pa malayang nababanggit sa kabahayan ng Santiara, lalo na nga kung nasa hearing distance lang ni Santi Sixto.

“Kawawa naman ang napakabata ko pang kaibigan.” Bumuntunghininga si Arabella.

“Hope it’s not true na masama ang lagay niya.”

Mga Pahina: 1 2 3

3 responses to “Santi Sixto – Kabanata 19”

  • 1 GINA says:
    December 6, 2009 at 2:35 pm

    pkipost po sana agad ang kasunod….gumaganda na po kasi ang story….tnx po!!!

  • 2 eizzy says:
    December 7, 2009 at 12:22 am

    ahhh kakabitin talga..tnx sa mabilis na pag post ng chapter d kgya nun iba sotry..hehehe pizzzzzz…
    ganda po nito sa tuloy tuloy pag post….

  • 3 brokelyn14 says:
    December 7, 2009 at 12:40 am

    wew kakabitin paki habaan pls 🙁 request lng nman poh 😛 kung hindi nman mapagbigyan ok Lng 😛 i won’t push it 😛 salamat poh (“,)

Mag-iwan ng mensahe...