Share Your Love!

Santi Sixto – Kabanata 19

“Tulong siya nang tulong sa ibang tao, sarili niya pala ay maisasakripisyo. Parang mali…” Si Ara Marcella ay nanghihinayang.

“Mom, do you still have her number?” Nagulat sila nang biglang may nagtanong.

Napalingon ang lahat, si Santi Sixto pala.

Sinipat na mabuti ni Arabella ang anak. “Tatawagan mo ang bahay nila, anak?”

“I have to. Para lang makabalita kung saang ospital talaga siya dinala. Inilipat na pala siya, e.”

“Well, anak… sana nga ay the same condo unit pa rin ang kanilang tinitirhan ni Manay Caridad. Ang numero naman nila sa Amerika ay hindi ko alam.”

That was an attempt by Arabella para mapatawa o mapangiti man lang si Santi Sixto na sobrang seryoso ang mukha ngayon, parang pasan ang buong bigat ng daigdig.

“Mom, kung meron kayo kahit anong number, susubukan ko lang talagang tawagan.” May urgency sa mababang boses ni Santi Sixto.

Ibinigay naman kaagad ni Arabella ang phone number ni Marissa.

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3

3 responses to “Santi Sixto – Kabanata 19”

  • 1 GINA says:
    December 6, 2009 at 2:35 pm

    pkipost po sana agad ang kasunod….gumaganda na po kasi ang story….tnx po!!!

  • 2 eizzy says:
    December 7, 2009 at 12:22 am

    ahhh kakabitin talga..tnx sa mabilis na pag post ng chapter d kgya nun iba sotry..hehehe pizzzzzz…
    ganda po nito sa tuloy tuloy pag post….

  • 3 brokelyn14 says:
    December 7, 2009 at 12:40 am

    wew kakabitin paki habaan pls 🙁 request lng nman poh 😛 kung hindi nman mapagbigyan ok Lng 😛 i won’t push it 😛 salamat poh (“,)

Mag-iwan ng mensahe...