Share Your Love!

Santi Sixto – Kabanata 2

Hindi tulad ng kanyang kapamilya, naiinis nga sa pangyayari si Sixto.

Bakit naman basta may kung sinong dayuhan na nakialam sa kanyang privacy?

Hindi man lang hiningi ang kanyang permiso.

Binasa niya ang pangalan ng photographer. Cover Photo by Alvin Chapman.

“Puwede ko kayang ireklamo sa korte ang Alvin Chapman na ‘to, Daddy?”

“Sixto, bakit naman? Para sa amin ay karangalan ito…”

“Daddy, pinakialaman ng Chapman na ‘to ang aking pananahimik, ang pribadong buhay ko.”

“Anak, wala namang sinabing pangalan. Wala ring sinabing masama tungkol sa iyo,” paliwanag ng ama.

Dumugtong si Arabella. “Sabi pa nga ay ‘handsome Filipino’. Anak, okay lang ‘yon. Aba, ‘yung iba ay babayad pa siguro ma-cover lang sa international magazine!”

“Mommy, ayoko nga hong mapalagay sa magasin in whatever way, dapat ay hiningi muna ng gagong Chapman na ‘yon ang permiso ko.”

“Iho, relax. Anyway, sino lang ba ang nagkakaroon ng ganitong napakamahal na international magazine sa Pilipinas? Mabibilang siguro sa daliri. Baka ‘yung big corporations lamang saka mayayamang businessmen and families. Sa ibang bansa naman ay walang problema kang mapansin. You will just be a nameless handsome man, anak…”

Bumuntunghiningang muli si Sixto, iginala sa mga kapatid ang mga mata, naghahanap ng kakampi.

Pero sina Ara Anna, Ara Carolina at Ara Marcella ay nakangiting natutuwa.

Gayundin sina Santi Augusto at Santi Ignacio, walang tutol sa pagiging cover boy ni Sixto ang dalawa.

Kung gayo’y siya lang pala ang tutol? Lalong nainis nang lihim si Sixto.

Ano ba naman itong mga kaanak niya at gustung-gusto ng katanyagan?

Si Gabriel kaya…? Baka siya ang kakampi ko?

Tinawagan agad niya sa cell ang kapatid na nasa Singapore nang mga sandaling iyon.

“Six, what’s up?” tanong ni Gabriel.

Mga Pahina: 1 2 3

7 responses to “Santi Sixto – Kabanata 2”

  • 1 lumen says:
    November 2, 2009 at 12:35 pm

    ay bitin super ganda ng story nxt chapter pls bakit po antagal nyo bago mag post sana tuloy tuloy na tnx po

  • 2 milesaway says:
    November 3, 2009 at 8:30 am

    hay nku puro n lng pasimula

    • 3 mel says:
      August 24, 2010 at 1:49 pm

      hnd nman!,hre oh’my chapter 3.,

  • 4 camille says:
    November 3, 2009 at 7:36 pm

    cnu pho ung naglalathala gilda??? gilda anu pho????

    GILDA OLVIDADO???????????
    ask q lng>…. pho… peace>>>

  • 5 keith briones says:
    January 24, 2010 at 5:30 pm

    hi! poe pede poe b mg request?

    kmi poe ng mga cousin ko poe?

    e2 poe ung mga name nmin

    rosechel, camille , kris , april , aira , dianne & romilyn

    kung ok lng poe sa inyo.. tnx poe

    na inspire poe aku sa gnagawa nio

    ang gnda poe ng mga cnusulat nio

    meron nga poe kming project na novls kmi poe ang gagawa sa school
    kya hihingi poe aku ng advise.

  • 6 jonusher_02 says:
    April 9, 2010 at 2:11 am

    + excited na akong basahin lahat toh.. hehehe

  • 7 maricel_uoya says:
    July 21, 2011 at 3:15 pm

    isa pala itong nilathala ni GILDA OLVIDADO

    isa sa anak nila SANTI & ARA

Mag-iwan ng mensahe...