Share Your Love!

Santi Sixto – Kabanata 5

“Alam mo, Marissa,” nakangiting sabi ni Manay Caridad habang nasa ere pa ang eroplano, “kaming mga Pinoy ay palakaibigan na mga tao. And we are always smiling to strangers don’t worry.”

“Ano nga kaya ang pangalan niya?” tanong ni Marissa, may pananabik na naman.

“Posibleng Juan, baka naman Berto. Or maybe his name is Burton. You know, Filipinos now have modern names, Marissa.”

“And who again is your president, yaya?”

“President Gloria, she toppled Estrada during his term, Marissa. Na-people power si Erap.”

“Erap?”

“Estrada… he is also called Erap, Marissa.”

Tumangu-tango ang mayamang dalagang banyaga. Basta ang nasa isip pa rin niya ay ang napakaguwapong lalaking kamukha ng yumaong nobyo.

NAGPAPASALAMAT si Santi Sixto na sa San Simon ay hindi man lang nabalitaan ang tungkol sa pagiging cover boy niya ng Global Weekly.

Napayapa na siyang muli, ngayo’y hinaharap na naman nang husto ang kanyang farming.

Naalala ni Sixto ang pangako sa ina, na sa loob ng susunod na dalawang taon ay may asawa at anak na siya.

Kaso ay wala pa ngang balak si Sixto na magkanobya man lang. Enjoy na enjoy pa siya sa buhay na walang pressure, walang responsibilidad sa iba kundi sa sarili lamang.

He values his laid-back life, ang makupad na takbo ng kanyang buhay sa Santiara at karatig.

Here he is, pabasa-basa lang ng diyaryo sa umaga bago sasabak sa trabaho sa bukid.

Pakape-kape. Pakalakalabit ng gitara.

Pakanta-kanta na rin ng mga lumang paborito. All of me…why not take all of me… can’t you see, I’m no good without you…

Mga Pahina: 1 2 3

4 responses to “Santi Sixto – Kabanata 5”

  • 1 eizzy says:
    November 8, 2009 at 6:03 pm

    ala pa pong next,,?
    ty

  • 2 lumen says:
    November 8, 2009 at 8:20 pm

    nxt chapter pls ganda po tnx po?

  • 3 xiaona says:
    November 8, 2009 at 10:22 pm

    kaexcite next chapter….sna mapublished na…hehehe

  • 4 nikia says:
    June 8, 2012 at 4:40 pm

    pwede po bang i copy po…..para sana mabasa nang mga kababayang ngwowork na cp lng ang gamit? thanks po….ganda p kc eh….

Mag-iwan ng mensahe...