Share Your Love!

Santi Sixto – Kabanata 5

Napadako ang mga mata ni Sixto sa isang balita sa diyaryo sa umagang iyon. Binasa niya. Heiress Is Now In The Philippines for Charity. Marissa Garrera Johnson, the only daughter of multi- millionaire philantropist Howard Johnson, is coming to the Philippines to set up a charitable organization specifically aimed at helping the under-privileged youth of the country…

May kasamang larawan ni Marissa Carrera Johnson ang balita at nagandahan si Sixto. Kakaiba kasi ang beauty ni Marissa, parang Pinay na tisay.

At ganitong tutulong pa pala sa mga yagit na kabataan ng bansa, lalong humanga kay Marissa si Sixto.

Walang kaalam-alam ang gentleman farmer na siya ang tunay na dahilan kaya pupunta sa Pilipinas ang magandang banyaga.

“Sir Sixto, tapos na po kami ni Tacio sa pamimitas ng mangga. Mga export quality po lahat.” Inabala siya ng isang tauhan.

“Okay, Sendo, ako na ang bahala sa delivery. Puwede na kayong umuwi ni Tacio. Bukas naman.”

“E, Sir Sixto, babale daw kami ni Tacio,” nakangising sabi ni Sendo habang katabi na si Tacio.

Napailing ang binatang gentleman farmer. “Sabi ko na nga ba, e. Magtsi-chicks na naman kayo sa kabaret sa bayan…”

“Sir naman… paminsan-minsan lang,” sabad ni Tacio. “Gusto n’yo, sama kayo?”

Tinitigan ni Sixto ang dalawang tauhan na mga binata pa rin.

“Naku, sir, nagbibiro lang po kami. Alam naming hindi kayo nagkakabaret o nangtsi-chicks,” tarantang sabi ni Sendo.

“Saan ba ‘yon?” seryosong tanong ni Sixto.

“Po? Ang alin po, sir?” tanong ni Tacio.

“Ang pupuntahan ninyo, saang lugar?” halos pabulong na sabi ng among binata ng Santiara.

NANG gabing iyon ay nakasama nina Tacio at Sendo sa paglilibang sa bayan si Santi Sixto.

Siguro ay si Sixto na rin ang nakapansin sa wala halos kulay niyang buhay-binata.

Mga Pahina: 1 2 3

4 responses to “Santi Sixto – Kabanata 5”

  • 1 eizzy says:
    November 8, 2009 at 6:03 pm

    ala pa pong next,,?
    ty

  • 2 lumen says:
    November 8, 2009 at 8:20 pm

    nxt chapter pls ganda po tnx po?

  • 3 xiaona says:
    November 8, 2009 at 10:22 pm

    kaexcite next chapter….sna mapublished na…hehehe

  • 4 nikia says:
    June 8, 2012 at 4:40 pm

    pwede po bang i copy po…..para sana mabasa nang mga kababayang ngwowork na cp lng ang gamit? thanks po….ganda p kc eh….

Mag-iwan ng mensahe...