Share Your Love!

Santi Sixto – Kabanata 5

Ilang buwan na ba mulang huli siyang magkaroon ng nobya-nobyahan?

Apat-limang buwan na ba?

Aba, daig pa pala niya ang isang pari na celibate! Na walang sex life kahit kaunti. Masyado na palang naabala ang atensiyon niya ng pagtatrabaho sa kanyang taniman na napabayaan na niya tuloy ang pagbibinata.

Dati naman ay nambobola siya ng mga dalaga. Idinidate niya ang mga ito mula sa restaurants hanggang sa sinehan.

May pagkakataon pa nga na ang game na mga babae ay sumasama sa kanya sa pribadong bahay-kubo niya sa katabing lote ng Santiara.

Palihim niyang dinadala roon ang babae at halos magdamag silang magniniig bago niya muling ihahatid ito sa bayan, sakay ng kanyang service van na siya mismo ang nagmamaneho.

Wala naman kasing motel sa San Simon kaya sa bahay-kubo niya dinadala ang mga ganitong babae.

“Sir Sixto, narito na ho tayo,” nakangising bulong ni Sendo. “Mamili na kayo sa mga nakahanay na belyas. Mga bagong paligo ho ang mga ‘yan.”

“Bagong paligo ng pabango,” biro ni Sixto. At kumuha na ng isang dalaga para bolahin habang isinasayaw sa kabaret.

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3

4 responses to “Santi Sixto – Kabanata 5”

  • 1 eizzy says:
    November 8, 2009 at 6:03 pm

    ala pa pong next,,?
    ty

  • 2 lumen says:
    November 8, 2009 at 8:20 pm

    nxt chapter pls ganda po tnx po?

  • 3 xiaona says:
    November 8, 2009 at 10:22 pm

    kaexcite next chapter….sna mapublished na…hehehe

  • 4 nikia says:
    June 8, 2012 at 4:40 pm

    pwede po bang i copy po…..para sana mabasa nang mga kababayang ngwowork na cp lng ang gamit? thanks po….ganda p kc eh….

Mag-iwan ng mensahe...