Share Your Love!

Santi Sixto – Kabanata 9

“Ha? Mero’n…?”

“Si Manay Caridad po, ang yaya kong nakatulog sa sofa ninyo.” Napailing-napangiti si Marissa.

Natawa naman si Arabella, nalimutan ang galit sa anak kahit saglit.

SA LOOB ng kotse, si Marissa ay walang kaimik-imik.

Pinansin siya ni Manay Caridad na para na niyang magulang. “Nakatulog talaga ako, ano ba ang nangyari, Marissa? Bakit para kang gigil na hindi ko maintindihan?”

“Nakita ko na ang lalaking kamukha ni Jonathan, yaya.”

“Ha? Talaga? O, bakla ba kaya dismayado ka?”

“Lalaking lalaki pero napakasuplado niya, yaya. Kung maaari nga lang ay I want to kill him.” Nanginginig na yata sa galit si Marissa. Ngayon lang talaga siya nainsulto ng isang lalaki.

“Huwag naman, Marissa. Kalimutan mo na lang, anyway he is not the real macoy.”

“Yaya, please, huwag kang magbiro, mainit ang ulo ko. I will get even with that Sixto!”

“Sixto? Sino si Sixto?” makulit na tanong ng yaya.

“Siya ang pinakaaroganteng lalaking bibigyan ko ng leksiyon tonight!” halos sigaw ni Marissa.

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3

5 responses to “Santi Sixto – Kabanata 9”

  • 1 roma says:
    November 16, 2009 at 12:54 pm

    ay!..kainis naman eh!……pwedi bang e publish nyo nalang lahat nga chapter?
    kakabitin naman!……..
    plssssssssssss

  • 2 lumen says:
    November 16, 2009 at 1:32 pm

    bitin nman 2 d na po isulat ng lahat ng chapter kasi po kakaunti nman kayong mag post sana nxt chapter mahaba nman po!!! tnx po?

  • 3 hanna says:
    November 16, 2009 at 3:51 pm

    hay kakabitin namn paki post agad plsssssssss

  • 4 eizzy says:
    November 16, 2009 at 7:49 pm

    wow….kakabitin po talaga..next plss..

  • 5 matet says:
    November 17, 2009 at 9:26 pm

    kelan ba maipost yong next chapter ng my prince charming. naks naman bitin me sa pagbasa. nakakaganang basahin kaxe..

Mag-iwan ng mensahe...