Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 1

“Tama kayo. Pareho na kasi kaming sawa ni Aleli sa mga bagay at paligid na karangyaan. Kaya gusto ko naman ay maiba. ‘Yung mga bagay at paligid na hindi namin nakagisnan pareho.”

Naiiling na nangiti si Mang Domeng.

“Talaga nga naman itong mga mayayaman, wala ng malaman kung ano ang gagawin sa sarili dala ng dami ng salapi nila. Kung anu-ano tuloy ang naiisip,” sa isip-isip ni Mang Domeng ‘yun.

“E, alam na ba ito ng mapapangasawa mo Randy?” Tanong ng matandang karpentero.

“Hindi ko pa sa kanya nasasabi. Pero parang nakikinita ko na magugustuhan niya rin ang ideya kong ito.”

“Siguro nga, dahil pareho kayo ng katayuan sa buhay, kaya pareho na rin ng katuwiran.”

“Papanhik nga ho ako sa itaas para makita nang husto ang kabuuan ng bahay.”

“Sige, halika.”

Sa balkonahe sa bungad ng hagdan. Ngingiti-ngiting minamasdan ni Randy ang hagdang kawayan na may limang baitang. Yari sa pinagbiyak na kawayan ang bawat baitang.

Nang sumampa si Randy sa hagdan, nagpaalala agad si Mang Domeng.

“O mag-iingat ka sa paghakbang, baka dumulas ang sapatos mo sa baitang.”

Balat kasi ang sapatos ng binata at madulas talaga ang gayong kawayan na tatapakan.
Nag-ingat naman ang binata na minamasdang maigi ang bawat hakbang niya.

Nang marating nila ang balkonahe, nagpalakad-lakad muna si Randy doon bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Parang bata itong nasisiyahang itapak ang sapatos sa sahig na kawayan.

Sa loob ng bahay, lalong kinabakasan ng kasiyahan ang binata nang hagurin ng tingin ang buong paligid.

“Perfect! Bahay probinsiya talaga ang dating!”

Tiningala niya ang itaas. Walang kisame ‘yun na kita ang pawid na bubong. Ang balangkas ng bahay na yari sa buong kawayan ay sala-sala na nakapahalang.

“Di ho ba d’yan isinasabit ang ilawang de gaas?” Tanong ni Randy kay Mang Domeng at itinuturo ang balangkas na kawayan ng bahay.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

6 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 1”

  • 1 marichu says:
    August 30, 2009 at 11:31 am

    julia pwede ko bang gawing book report sa subject kung filipino itong kwento mo. pwede pakilagay information about toy as an author.. pls tnx…

  • 2 Lourene says:
    October 28, 2009 at 1:32 pm

    -nAkakAtAkot!!! pEro excitiNg!!! aNg gAndA!!! mOrE stOriEs pA poh…

  • 3 rossellen says:
    May 10, 2010 at 5:18 pm

    Grabe naman. Ang galing mag isip.

  • 4 Anna says:
    August 12, 2010 at 12:38 pm

    i want horror love stories…

    tnx^_^

  • 5 Femie joy says:
    December 3, 2010 at 10:44 am

    i like the story very much, kahit nakakatakot

  • 6 minda says:
    December 6, 2011 at 1:33 am

    nakakakilabot nga!,.hindi tuloy ako makalabas ng room ko,.hanggat hindi nag umaga,.lol,.kaya lang nagtataka ako kung bakit hindi alam ni mang domeng na dati yong sementeryo?,.hmmn!

Mag-iwan ng mensahe...