Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 1

“Ibig mo bang sabihin ay hindi natin ito pakakabitan ng kuryente?”

“Hindi ho. Para lumabas na bahay kubo talaga. Ilawang de gaas ang gagamitin namin ni Aleli.”

“Sabagay, kung magpapakabit tayo ng kuryente ay lubhang malayo ang panggagalingan. Nag-iisa kasing nakatayo ang bahay na ito sa gitna ng palanas. Higit sa sampung kilometro kung sakali.” Sagot ni Mang Domeng na tumanaw pa sa labas ng bintana na doo’y kita ang paligid ng palanas at walang kahit isa mang bahay na nakatirik.

“Wala naman hong problema kahit gaanon kalayo ang pagkukunan ng kuryente, kaya ko namang bumayad. Pero gusto ko talaga na maging bahay kubo ang dating nito na tulad sa probinsiya kaya hindi ko na pakakabitan ng kuryente.”

“E, paano ang mga appliances n’yo kung sakali? Halimbawa ang ref. Para pag-imbakan n’yo ng pagkain?”

“Hindi na ho namin kakailanganin ‘yun. Dala naman namin ang kotse rito. Anumang oras na kailanganin namin ang bagay na bibilhin ay madali namang makarating sa palengke o grocery na mapamimilihan.”

“E, ang radyo, hindi n’yo rin kailangan?”

“Transistor radio ang gagamitin namin.”

Nangingiting tumangu-tango si Mang Domeng.

Sa silid ang sumunod nilang tinungo.

Hindi maiaalis na humanga na naman si Randy nang makita nito ang loob ng silid lalo na ang papag na kawayan na nakapahalang sa gawing kanan.

“Ang galing a!”

“Hindi mo ba sasapinan ng malambot na bagay ang papag na ‘yan?”

“Bakit pa ho?” Nagtatakang tanong ni Randy.

“E, hindi kayo sanay ng nobya mong mahiga sa ganyan. Baka sumakit ang likod n’yo?”

Natigilan si Randy na nag-isip sa sinabing iyon ni Mang Domeng. Naisip niyang may katotohanan ‘yun. Ngayon lang kung sakali pareho sila ni Aleli na makakahiga sa papag na kawayan. Dahil sa bahay ay water bed ang hinihigaan niya. Si Aleli ay gayundin.

“Oo nga, ‘no?” Naisagot niya.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

6 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 1”

  • 1 marichu says:
    August 30, 2009 at 11:31 am

    julia pwede ko bang gawing book report sa subject kung filipino itong kwento mo. pwede pakilagay information about toy as an author.. pls tnx…

  • 2 Lourene says:
    October 28, 2009 at 1:32 pm

    -nAkakAtAkot!!! pEro excitiNg!!! aNg gAndA!!! mOrE stOriEs pA poh…

  • 3 rossellen says:
    May 10, 2010 at 5:18 pm

    Grabe naman. Ang galing mag isip.

  • 4 Anna says:
    August 12, 2010 at 12:38 pm

    i want horror love stories…

    tnx^_^

  • 5 Femie joy says:
    December 3, 2010 at 10:44 am

    i like the story very much, kahit nakakatakot

  • 6 minda says:
    December 6, 2011 at 1:33 am

    nakakakilabot nga!,.hindi tuloy ako makalabas ng room ko,.hanggat hindi nag umaga,.lol,.kaya lang nagtataka ako kung bakit hindi alam ni mang domeng na dati yong sementeryo?,.hmmn!

Mag-iwan ng mensahe...