Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 1

“Ang mabuti siguro ay sapinan n’yo ng kutson”

Tumangu-tango si Randy.

“Oo nga… bibili ako ng kutson.”

“Kailangan n’yo rito ang makapal na kumot. Malamig dito. Lagus- lagusan ang hangin dito dahil walang bahay sa paligid o punong kahoy man lang.”

“‘Yun nga rin ho ang naisip ko. Kaya pinaghandaan ko na ang bagay na ‘yun.”

“E, hindi naman kaya matakot dito ang magiging asawa mo kung sakali dahil ang-iisa kayong bahay dito?”

“Tamang-tama nga ho iyon para sa hanimun namin. Walang iistorbo. Walang kapitbahay.”

Sinundan ni Randy ng tawa ang sinabing iyon.

Natawa rin si Mang Domeng.

“Pero seriously speaking Mang Domeng, wala ho kaya kaming dapat katakutan dito kung sakali?”

“Katakutang ano…?”

“‘Yung masasamang loob!”

“A, wala rito nu’n.”

“Pa’no ho n’yo natiyak?”

“Takot sila sa taong labas.”

Saglit na nag-isip si Randy sa sinabi ni Mang Domeng.

“‘Yun ho bang NPA ang sinasabi n’yong taong labas?”

‘”Yung na nga. Hindi pumapayag ang mga ‘yun na magkaro’n ng mandarambong dito.”

“E, ano hong ginagawa nila sa mga nahuhuling mandarambong?”

“Pinapatay para ‘wag pamarisan.”

“E, kami ho kaya pag nakatira na rito, hindi kaya kami galawin ng mga NPA?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

6 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 1”

  • 1 marichu says:
    August 30, 2009 at 11:31 am

    julia pwede ko bang gawing book report sa subject kung filipino itong kwento mo. pwede pakilagay information about toy as an author.. pls tnx…

  • 2 Lourene says:
    October 28, 2009 at 1:32 pm

    -nAkakAtAkot!!! pEro excitiNg!!! aNg gAndA!!! mOrE stOriEs pA poh…

  • 3 rossellen says:
    May 10, 2010 at 5:18 pm

    Grabe naman. Ang galing mag isip.

  • 4 Anna says:
    August 12, 2010 at 12:38 pm

    i want horror love stories…

    tnx^_^

  • 5 Femie joy says:
    December 3, 2010 at 10:44 am

    i like the story very much, kahit nakakatakot

  • 6 minda says:
    December 6, 2011 at 1:33 am

    nakakakilabot nga!,.hindi tuloy ako makalabas ng room ko,.hanggat hindi nag umaga,.lol,.kaya lang nagtataka ako kung bakit hindi alam ni mang domeng na dati yong sementeryo?,.hmmn!

Mag-iwan ng mensahe...