Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 1

“Tinitiyak ko sa iyong hindi.”

“Di kung ganu’n ho pala Mang Domeng, wala kaming dapat ikatakot dito ni Aleli kung sakali?”

“Ay wala talaga!”

May paniniyak na pagkakasagot ni Mang Domeng,

“E, kung multo kaya… baka meron?” Nagbibirong sabi ni Randy.

“A, ‘yun ang hindi ko matitiyak sa iyo.”

Nakatawa si Mang Domeng nang sabihin ‘yun.

“Pero kasabihan matakot ka raw sa buhay, ‘wag sa patay,” dugtong pa ni Mang Domeng.

“E, ako ho pareho ko kinatatakutan ‘yun,” biro uling sagot ni Randy.

“Maiba nga pala ‘ko ng usapan, pagkatapos ng hanimun n’yo sa bahay kubong ito, sino na’ng titira rito?”

“Di iiwan na namin.”

Mabilis ang pagkakasagot ni Randy.

“E, di sayang lang ang ginastos mo sa pagpapagawa nito.”

“Ang mahalaga ho nasunod ko ang gusto ko.”

Sabagay, ano nga ba naman ang salapi e milyonaryo ito. Sa isip pa ni Mang Domeng.

“E, kung hingin ko na ba sa iyo ‘to pagkatapos ng hanimun n’yo, ibibigay mo ba sa akin?”

“Sabi ko nga ho sa inyo na iiwan na namin ‘to pagkatapos.”

May kislap ng tuwa sa mga mata ni Mang Domeng sa narinig.

“Aba’y salamat kung ibibigay mo na ‘to sa akin.”

“Oho, sa inyo na ‘to pagkatapos ng hanimun namin.”

“Salamat kung ganu’ n.”

“Dito n’yo ho balak tumira ng asawa n’yo?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

6 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 1”

  • 1 marichu says:
    August 30, 2009 at 11:31 am

    julia pwede ko bang gawing book report sa subject kung filipino itong kwento mo. pwede pakilagay information about toy as an author.. pls tnx…

  • 2 Lourene says:
    October 28, 2009 at 1:32 pm

    -nAkakAtAkot!!! pEro excitiNg!!! aNg gAndA!!! mOrE stOriEs pA poh…

  • 3 rossellen says:
    May 10, 2010 at 5:18 pm

    Grabe naman. Ang galing mag isip.

  • 4 Anna says:
    August 12, 2010 at 12:38 pm

    i want horror love stories…

    tnx^_^

  • 5 Femie joy says:
    December 3, 2010 at 10:44 am

    i like the story very much, kahit nakakatakot

  • 6 minda says:
    December 6, 2011 at 1:33 am

    nakakakilabot nga!,.hindi tuloy ako makalabas ng room ko,.hanggat hindi nag umaga,.lol,.kaya lang nagtataka ako kung bakit hindi alam ni mang domeng na dati yong sementeryo?,.hmmn!

Mag-iwan ng mensahe...