Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 2

“Naknamputsa, ang ganda rin pala ang bride e,” halos pabulong ng sabi ng isang babae sa katabi nitong kasama.

“Oo nga… hawig ke Dawn Zulueta.”

“Pareho lang silang maganda.”

“Tiyak na maganda rin ang magiging anak niyan.”

“Sigurado ‘yun. At sabi pa, pareho palang mayaman ‘yan.”

“Ang s’werte naman nila ‘no,” naiinggit na nasabi ng isa.

“Ako kaya, kelan makakadugas ng kasing pogi ng groom at kasing yaman din niya?”

“Naku ‘wag mo nang asamin ‘yun.’ Magugunaw na ang mundo pero hindi mangyayari sa atin ‘yun.”

“Ikaw naman, killjoy. Nagpapantasya lang.”

” ‘Wag mo na sabing isipin ‘yung dahil walang mangyayari sa mga panta-pantasya mo.”

“Hmp! Asar ka talaga!” Inis na sagot ng kausap.

Si Randy, mixed feeling ang nadarama ng mga sandaling iyon. Nananabik na kinakabahan Bakas na bakas sa mukha niya ‘yun. Hindi ito mapakali habang nakatingin kay Aleli na papalapit na sa Altar.

“O abangan mo na du’n sa harapan,” pabulong na sabi kay Randy ng isang lalaking kamag-anak nito.

Agad namang ginawa ng binata iyon. Pumuwesto ito sa gawing kanan para abangan ang pagpapasa ng ama ni Aleli sa kanya.

Nang matapat na sina Aleli kay Randy ay ipinasa na ng ama nito ang dalaga. Naglakad na ang dalawa palapit sa altar at pabirong pabulong na nagsalita ang binata.

“Hanep, ang ganda mo lalo ngayon, a.”

‘”Wag ka nang magbiro. Sumeryoso ka, sa ‘tin lahat nakatingin ang mga tao,” pabulong na sagot ni Aleli na bahagyang siniko pa si Randy.

“Pinatatawa lang kita para mawala ang nerbiyos mo.”

“Nininerbiyos nga ako e.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

2 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 2”

  • 1 che says:
    August 18, 2009 at 9:43 am

    ang ganda ng pagkagawa nito dapat parangaran ang writer.ang ganda kahit di ko p talaga natatapos alam kong mganda.:)

  • 2 ann says:
    July 17, 2010 at 2:11 pm

    hi! it’s a nice story!!!…

Mag-iwan ng mensahe...