Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 2

“E, ako nga rin, kaya ako nagpapatawa.”

Pigil na napatawa si Aleli.

Sa harap mismo ng altar na doo’y nakatayong naghihintay na ang pari ay pinaluhod sila nito pareho. Kasunod ay nag-utos na ang lahat ay manalangin.

Matapos ang panalangin, sinimulan na ang seremonyas para sa ikakasal. Naging tahimik na tahimik ang loob ng simbahan sa pagsasagawa na ng ritwal.

Ang mga abay ay nagsimula na ring gampanan ang kani-kanilang papel. Hanggang sa dumating na sa highlight ng seremonyas nang sabihin na ng pari na “I now pronounce you man and wife.”

SA MANSION ng may malawak na bakuran ng mga Madrilejo ginanap ang reception. Sunud-sunod ang liparan ng kuwites na pagdating sa itaas ay nagpuputukan. Nakakadagdag sigla ang mga putok ng kuwites sa pagdiriwang.

Sina Randy at Aleli naman ay nasa bungad ng gate ng mansion at nakaabang sa pagdaratingan ng mga bisita. Isa-isang bumabati ang mga ito sa bagong kasal. Sunud-sunod ang pakikipagkamay ni Randy at si Aleli naman ay abala rin sa pakikipagbeso-beso sa mga babaing bisita na bumabati sa kanya.

Ang sumunod ay kainan na. Ang iba habang kumakain ay nagkukuwentuhan. Ang bagong kasal naman ay nakabukod sa mahabang mesa na doo’y kasalo nila ang mga partidos ng magkabilang pamilya.

Pasado alas diyes na ng gabi nang matapos ang pagdiriwang. Hang bisita na lang ang natira.

“Sa’n bang honeymoon n’yo?” Tanong ng isang bisitang babae kay Aleli.

Hindi masagot ni Aleli ‘yun. Dahil wala talaga siyang ideya kung saan sila magha-honeymoon ni Randy. Hindi sinabi sa kanya. Basta sorpresa raw.

“Tinatanong ng mga bisita kung saan daw tayo magha-honeymoon?” Tanong ni Aleli kay Randy.

Nangiti ito.

“Secret!”

Tawanan.

“Sa’n nga ba talaga Randy?” Kulit ng isa sa mga bisita.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

2 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 2”

  • 1 che says:
    August 18, 2009 at 9:43 am

    ang ganda ng pagkagawa nito dapat parangaran ang writer.ang ganda kahit di ko p talaga natatapos alam kong mganda.:)

  • 2 ann says:
    July 17, 2010 at 2:11 pm

    hi! it’s a nice story!!!…

Mag-iwan ng mensahe...