Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 2

“Hindi ko p’wedeng sabihin dahil sorpresa ko ke Aleli’yun.”

“Ngayon na rin bang gabi kayo tutuloy sa pagha-honeymoon n’yo?”

“Oo.kaya aalis na kami ngayon.”

Ikinagulat ni Aleli ‘yun.

“Ngayon na rin bang gabi?”

“Oo..tutuloy na tayo du’n.”

“Hindi ba p’wedeng ipagpabukas na natin? Gabi na e,” may pag- aaiala sa tono nang pagkakasabi ni Aleli.

“Ngayon na. Inihanda ko na nga sa kotse ang lahat ng dadalhin natin.”

“Di sige.kaya lang, baka malayo ‘yun at masyado tayong gabihin sa kalsada?”

“Hindi naman. Pero kailangan lang umalis na tayo ngayon para medyo mapaaga ng dating du’n.”

Pagkasabi nu’n, tumayo sa kinauupuan si Randy at niyaya na si Aleli. Saglit na’y nagpapaalam na ang dalawa sa mga magulang nila.

“Sige, kung hindi na tayo mapipigil sa pagha-hanimun n’yo, di lumarga na kayo bago pa kayo gabihin ng husto,” sabi ng Papa ni Randy.

Nakasakay na sa kotse ang dalawa na si Randy ang magmamaneho nang humabol sa kanila ang isa sa mga kamag-anak ni Randy. Ito si Robert Costales, isang pari.

“O Randy, dalhin n’yo ‘to sa inyong paruruonan,” sabi ng pari at iniabot kay Randy ang botelya na may lamang likido.

“Ano ‘to?” Nagtatakang tanong ni Randy.

“Holy water ‘yan. ‘Yan ang pabaon ko sa inyong honeymoon.”

Nakatawa ang pari nang sabihin ‘yun.

“Salamat,” pagkakuha’y inilagay ni Randy ‘yun sa gawing kanan ng harapan ng manibela.

“Sa’n ba talaga ang destinasyon natin? Masyado mo ‘kong pinag- iisip e,” tanong ni Aleli habang tumatakbo na ang sasakyan.

Nakangiting nilingon ni Randy ang asawa.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

2 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 2”

  • 1 che says:
    August 18, 2009 at 9:43 am

    ang ganda ng pagkagawa nito dapat parangaran ang writer.ang ganda kahit di ko p talaga natatapos alam kong mganda.:)

  • 2 ann says:
    July 17, 2010 at 2:11 pm

    hi! it’s a nice story!!!…

Mag-iwan ng mensahe...