Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 2

“Talaga. Ngayon lang natin pareho ma-e-experience ang matira sa isang bahay kubo na nasa gitna ng lahar na doon pa gagawin ang ating honeymoon.”

“What an experience nga. I love it!”

“Sabi ko na, magugustuhan mo e. Alam ko kasing mahilig ka ring tulad ko sa adventure.”

“Priceless gift mo sa akin ito para sa ating kasal. Hindi ko malilimot ito.”

Lumaking bigla ang puso ni Randy sa sinabi ng asawa. Tuwang-tuwa siya. Napaligaya niya ang asawa sa kakaibang karanasang ibibigay niya rito.

Buong pagmamahal niyang kinabig ng isang kamay ang balikat nito saka niyakap, kasunod ng paghalik sa pisngi. Buong pagmamahal din namang humilig si Aleli sa dibdib ng kabiyak saka hinimas ng isang kamay ang kaliwang dibdib nito.

“I love you…”

“Me too honey…”

BINABAGTAS na ng koste nina Randy ang malawak na mala-disyertong lupain na natabunan ng lahar. Wala man lang na natatanaw na puno o bahay si Aleli sa dinaraanan nila na tinatamaan ng headlight ng kotse. Liban lang sa pa-ilan-ilang talahib na tumubo sa bahagi ng lupain.

“Malayo pa ba?” May pagkainip na tanong ni Aleli.

“Malapit-lapit na. Pag nakatanaw ka ng isang bahay kubo sa gitna ng lupaing ‘yan» yun na!”

“E, wala akong natatanaw a, kundi ang ilang talahib.”

“Wag kang mainip, darating din tayo du’n.”

“Nasasabik kasi ‘ko sa bagong experience na ‘to.”

Ang tawa ni Randy.

“Relaks ka lang. Malapit na.”

Sumilay ang kasiyahan sa mukha ni Aleli nang maaninag nito sa malayo ang isang bahay kubong nakatirik sa malawak na lupain. Sa layo ng distansiya nila ay halos parang kaha lamang ng posporo ang bahay kubo sa tingin.

‘”Yun na ba?” Nakatawang turo ni Aleli sa bahay kubo.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

2 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 2”

  • 1 che says:
    August 18, 2009 at 9:43 am

    ang ganda ng pagkagawa nito dapat parangaran ang writer.ang ganda kahit di ko p talaga natatapos alam kong mganda.:)

  • 2 ann says:
    July 17, 2010 at 2:11 pm

    hi! it’s a nice story!!!…

Mag-iwan ng mensahe...