Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 2

“O paghatian n’yo ng tatlo ‘yan ”

“Ano ‘to sir?” Tanong ng isa.

“Pagkain. ‘Yun handa namin sa kasal.”

“Salamat Sir.”

“Pakitulungan muna kami na maipanhik sa itaas ang mga dala-dalahan namin.”

“Asan ho Sir?”

“Nandito sa compartment.”

Binuksan niya ang compartment. Nandu’n ang dalawang maleta na naglalaman ng mga damit nila ni Aleli na gagamitin para sa loob ng isang buwang paninirahan doon. Kasama nu’n ang apat na kahon na naglalaman ng mga pagkaing de lata.

Kinuha rin ni Randy sa compartment ang dalawang flashlight. Ibinigay kay Aleli ang isa.

“O para makita mo ang daraanan natin pagpanhik sa itaas. Madilim du’n. Hindi pa nakasindi ang ilawang de gaas.”

Nagpatiuna si Randy sa pagpanhik sa hagdan ng bahay kubo habang tinatanglawan ng flashlight ang dinaraanan. Nakasunod naman si Aleli at kabuntot ang tatlong lalaki na bitbit ang mga dalahin ng mag-asawa.

Sa pagpanhik sa hagdang kawayan, inalalayan ni Randy ang asawa. Tumatawa pa si Aleli habang halatang hirap sa paghakbang sa baitang ng hagdan. Ngayon lang kasi ito nakapanhik sa ganu’ng hagdan.

“Sa pagpanhik pa lang pala rito ay experience na.”

“Bagong karanasan talaga, ‘no?”

“Oo, nakaka-excite.”

Sa loob ng bahay kubo nang makapasok sila, sinindihan ni Randy ang ilawang de gaas saka isinabit ‘yun sa balangkas ng bahay.

Malamlam ang dulot na liwanag ng ilawang de gaas pero sapat para makita nang husto ni Aleli ang kabuuan ng salas.

“Okey a, ang ganda.”

“Dito sa kuwarto natin, tingnan mo rin.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

2 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 2”

  • 1 che says:
    August 18, 2009 at 9:43 am

    ang ganda ng pagkagawa nito dapat parangaran ang writer.ang ganda kahit di ko p talaga natatapos alam kong mganda.:)

  • 2 ann says:
    July 17, 2010 at 2:11 pm

    hi! it’s a nice story!!!…

Mag-iwan ng mensahe...