Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 3

“Sa’n kaya nanggagaling?”

“Ewan…?”

“Silipin natin.”

“Teka lang…”

“Bakit…?”

“Ihahanda ko ‘to,” sagot ni Randy na kinapa sa ilalim ng unan ang isang baril .38 na ipinakita kay Aleli.

“Dinala mo pala ‘yan.”

“S’yempre, para meron tayong proteksiyon.”

Kinapa ni Randy ang tukod ng bintana na nakasandig sa gawing ulunan ng papag.

Itinukod niya ‘yun at dahang-dahang itinulak. Unti-unting bumukas ang bintana na sumalubong sa kanila ang pumasok na liwanag ng buwan.

Biglang tumahimik. Nawala ang panaghoy nang ganap na mabuksan ang bintana.

“Yun din ang sumalubong sa paningin ng mag-asawa. Ang malawak na mala-disyertong lupain na natabunan ng lahar.

“Wala naman, a?” Sabi niya.

“Oo nga… pero kanina dinig na dinig natin?”

“Baka ugong lang ng hangin ang nadinig natin?”

Hindi kumibo si Aleli. ‘Yun din kasi ang nasa isip nito. Sa lawak ng lupaing iyon na wala kahit anong matatamaan ng hangin ay hindi kataka-taka na lumikha ng kakatwang tunog ang hangin.

“Ano sa palagay mo?” Tanong ni Randy sa asawa.

“Tulad din ng palagay mo.”

Sa mag-asawang tulad nila na nagising sa marangya at modernong takbo ng buhay ay kalokohan ang maniwala sa kababalaghan at multo-multo. Wala sa bokabularyo nila ‘yun!

“O, isasara ko na uli itong bintana,” sabi ni Randy.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

5 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 3”

Mag-iwan ng mensahe...