Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 3

“Sige,” at parang tinatamad na nahiga uli sa papag si Aleli.

Lumaganap uli ang tila dilim sa loob ng silid nang maisara ni Randy ang bintana.

“Pag me narinig uli tayong panaghoy na tulad nu’n, dedmahin na lang natin,” ani Randy sa asawa.

Walang sagot siyang narinig sa asawa.

“Hoy Aleli, tulog ka na ba?”

“Hindi pa.”

“Narinig mo ba ‘yung sinabi ko?”

“Oo, dededmahin na lang natin pag me nanaghoy uli.”

“Sige, matulog ka na. First night na tulog natin ‘to rito, kaya kailangang maging mahimbing ang tulog nating pareho.”

“Palagay ko, hindi magkakaganu’n.”

“Bakit?”

“Mamamahay tayo. Maaasiwa tayo sa pagtulog. Mga ilang gabi pa siguro bago nating makasanayan ang pagtulog dito.”

“Siguro nga ‘no?”

MATAGAL nang nakapikit ang mga mata ni Randy nang bigla siyang mapakislot na naging sanhi para maimulat niya ang mga mata sa dilim ng loob ng silid.

Amoy ng pinatay na kandila ang nagpakislot sa kanya. Laganap ang amoy na iyon sa loob ng silid. Langhap na langhap niya talaga.

Hindi siya kumilos. Ayaw niyang makalikha ‘yun ng ingay na maaaring makagising sa kanyang asawa na sa palagay niya ay tulog na tulog na.

Nilinga niya ito. Nakapikit ‘yun pero hindi niya matiyak kung tulog na ito o kasalukuyan pa lang nagpapaantok. Naisip niya kasi ang sinabi nito na hindi agad sila makakatulog doon dahil hindi pa sila sanay sa kapaligiran. Mamamahay sila.

Ikinagulat niya nang magsalita ito.

“Randy, naaamoy mo ba ‘yung naaamoy ko?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

5 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 3”

Mag-iwan ng mensahe...