Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 4

“Randy, Randy, gumising ka!” Pasigaw na halos ‘yun, kasunod nang pagyugyog nito sa katawan ng asawa.

Inis na sagot ang naging tugon ni Randy. Naistorbo ang pagtulog.

“Bakit ba?”

“Gumising ka, me kakaibang nangyayari rito!” Katal na katal ang boses ni Aleli.

Napakislot si Randy. Waring natauhan nang marihig niya ang mga panaghoy at maamoy ang bulaklak sa patay at amoy ng kandila na bagong patay.

“Ayun na naman!” Sabi niya sa asawa.

“Hindi lang ‘yun, tumingin ka sa labas ng bintana,” turo ni Aleli sa nakabukas na bintana pero hindi ito nakatingin doon. Parang may kinatatakutan.

“Bakit, ano bang meron du’n?”

“Basta tingnan mo!”

Bumangon siya at tiningnan.

Gimbal siya na hindi mapaniwalaan ang nakatambad sa kanyang tanawin.

“Bakit nagkaro’n ng ganyan dito?”

‘”Yan nga rin ang hindi ko alam, e,” sagot ni Aleli.

“Totoo ba ‘to? Hindi ba tayo ay nananaginip lang?”

Kinurut-kurot pa ni Randy ang braso upang patunayan sa sarili kung nananaginip lang siya.

Pero nasaktan siya.

“Totoo talaga. Hindi ito panaginip.”

Mula sa liwanag ng buwan ay kitang-kita niya na ang dating palanas na mala-disyerto ay naging parang isang sementeryo ngayon. Ang mga nitso doon ay nilulumot tanda ng kalumaan.

“Anong kababalaghan ang nangyayaring ito?”

“Hindi ko nga rin malaman kung paano nangyari ‘yan?” Umiiyak na halos sa takot si Aleli.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

4 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 4”

  • 1 rhOanE_07 says:
    November 6, 2009 at 8:46 pm

    ..+grAbEehhh

    pTi AcUe nAdA2La

    sA EksEnAng

    ntA2kOt..

    kip it Up…

    hEhE..

    mOrE tOriEs tO

    pOst..

    tNx…

  • 2 angel says:
    December 28, 2009 at 5:12 pm

    grabe namn….
    nakakatakot…. prang 22o…

  • 3 chelai09 says:
    February 11, 2010 at 12:39 pm

    grabe ..
    pati aq kinakabahan aa ..
    hahah ..

  • 4 barbhiejhen says:
    May 7, 2012 at 12:15 am

    may gulay kinkbhan na q d2 xa higaan q d aq makawiwi ahaha tak0t aq lumbas gbi n dn l0l :DD

Mag-iwan ng mensahe...