Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 4

“Halika na, mahiga na uli tayo at matulog.”

“Makakatulog ba ako nito,” tanggi ni Aleli.

Naisip ni Randy na totoo ang sinabi ng asawa. Sino naman kaya ang makakatulog sa ganu’ng sitwasyon. Nilulukuban ng takot ang buo nilang katauhan.

“E, ano’ng gagawin natin?”

“Tulad nang nasabi ko kanina, maghintay na lang tayo rito hangga’t mag-umaga.”

“E, kung mag-umaga na at ganun’n pa rin na nandiyan pa rin ang sementeryo, ano’ng gagawin natin?”

Hindi agad nakaimik si Aleli sa sinabi ng asawa. Paano nga ba kung magkagayon?

“Di bale, at least, umaga na. P’wede na nating mahanap kung saan ang palabas sa sementeryong ‘yan.”

P’wede nga rin.

“Sige, hihintayin na lang nating mag-umaga.”

Magkasabay pa halos silang naupo sa gilid ng papag. Ilang minuto silang walang imikan. Nakikiramdam sa kapaligiran.

“‘Yang flashlight, ‘wag mong bibitawan kahit anong mangyari,” bilin ni Randy sa asawa.

“E, kung buksan mo kaya ‘yung ilawan para maliwanag dito sa silid?”

“Oo nga ano.”

Inabot ni Randy ang nakasabit na ilawang de gaas, saka ‘yun sinindihan.

Lumaganap ang malamlam na liwanag sa buong paligid.

“Ayan, anu’t anuman ang mangyari ay kita natin ang magaganap,” sabi ni Aleli.

“Sige, mahiga ka na at pilitin mong matulog. Ako nang magbabantay. Gigisingin na lang kita pag umaga na.”

“Hindi sabi ako makakatulog nito.”

“Basta humiga ka lang at pumikit para mapahinga ang isipan mo. Walang masamang mangyayari sa atin dito.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

4 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 4”

  • 1 rhOanE_07 says:
    November 6, 2009 at 8:46 pm

    ..+grAbEehhh

    pTi AcUe nAdA2La

    sA EksEnAng

    ntA2kOt..

    kip it Up…

    hEhE..

    mOrE tOriEs tO

    pOst..

    tNx…

  • 2 angel says:
    December 28, 2009 at 5:12 pm

    grabe namn….
    nakakatakot…. prang 22o…

  • 3 chelai09 says:
    February 11, 2010 at 12:39 pm

    grabe ..
    pati aq kinakabahan aa ..
    hahah ..

  • 4 barbhiejhen says:
    May 7, 2012 at 12:15 am

    may gulay kinkbhan na q d2 xa higaan q d aq makawiwi ahaha tak0t aq lumbas gbi n dn l0l :DD

Mag-iwan ng mensahe...