Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 4

Hindi sinagot ni Aleli ang sinabing iyon ng asawa. Alam nitong pampalakas-loob lang iyon para mawala ang takot na kanyang nadarama.

Pero gayunman, sinunod nito ang sinabi ng asawa. Humiga ito sa papag at ipinikit ang mga mata.

“Ayan ganyan nga,” sabi ni Randy.

Mahabang sandali rin na nakapikit na nakahiga si Aleli pero gising ito. Narinig na lang nito ang kaluskos sa dingding na sawali. Idinilat nito ang mga mata.

Si Randy, kinukutkot ang sawaling dingding.

“Randy, ano’ng ginagawa mo?”

“Gumagawa ako ng butas dito sa dingding para makita ko kung ano na ang nangyayari sa labas.”

Ayaw na nitong buksan ang bintana. Natatakot marahil na makita ang malawakang buong sementeryo.

Nakagawa na ng butas sa dingding si Randy.

Sumilip ito doon. Subalit bigla ito napaatras na takot na takot.

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

4 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 4”

  • 1 rhOanE_07 says:
    November 6, 2009 at 8:46 pm

    ..+grAbEehhh

    pTi AcUe nAdA2La

    sA EksEnAng

    ntA2kOt..

    kip it Up…

    hEhE..

    mOrE tOriEs tO

    pOst..

    tNx…

  • 2 angel says:
    December 28, 2009 at 5:12 pm

    grabe namn….
    nakakatakot…. prang 22o…

  • 3 chelai09 says:
    February 11, 2010 at 12:39 pm

    grabe ..
    pati aq kinakabahan aa ..
    hahah ..

  • 4 barbhiejhen says:
    May 7, 2012 at 12:15 am

    may gulay kinkbhan na q d2 xa higaan q d aq makawiwi ahaha tak0t aq lumbas gbi n dn l0l :DD

Mag-iwan ng mensahe...