Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 5

“Sige, hintayin nating mag-umaga.”

Muli umupo siya sa gilid ng papag.

“Ikaw, mahiga ka na uli at ipikit ang iyong mga mata habang hinihintay natin ang pag-uumaga.”

Sumunod naman si Aleli. Nahiga nga uli ito sa papag saka ipinikit ang mga mata.

Habang naghihintay, parang may nagtutulak naman kay Randy na muling sumilip sa butas ng dingding at alamin kung ano na ang nangyayari sa labas.

Tinapunan niya ng tingin ang butas ng dingding. Parang hinihikayat siya nu’n na sumilip doon.

Tumayo siya sa pagkakaupo sa gilid ng kama para tunguhin ang butas ng dingding. Naramdaman naman ni Aleli ang pagtayo niya. Dumilat ito.

“Ano’ng gagawin mo?” Tanong nito.

“Sisilip uli sa butas.”

“Bakit pa? Maupo ka na lang dito at maghintay hangga’t mag- umaga.”

“Isang silip na lang,” nakasenyas pa ng isa ang daliri niya nang sabihin ‘yun.

Walang nagawa si Aleli kundi tingnan na lang ang gagawin ng asawa.

Sumilip nga ito. Medyo matagal. Kasunod ay biglang alis ang mga mata sa pagkakasilip sa butas, saka ibinaling kay Aleli ang tingin.

Kinutuban naman si Aleli na may panibagong nakitang kakaiba ang asawa sa pagsiiip nito sa butas. Nakarehistro kasi ang pangamba sa mukha. Hindi maikakaila ‘yun.

“Bakit, ano naman ang nakita mo ngayon?”

“Ang mga nitso, tuluyan nang nabitak.”

“Ha…?” Gulat na gulat na tanong ni Aleli sabay bangon sa pagkakahiga sa papag.

“Oo, ang mga bangkay sa loob ay kita na.”

Parang nanlaki ang ulo ni Aleli. Gumapang ang matinding takot sa kanya.

“Sisilipin ko.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

8 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 5”

  • 1 allan m-pogiboyngcebu says:
    February 11, 2010 at 3:34 pm

    grabehhhhh! todo na to

  • 2 anne09_rf says:
    March 29, 2010 at 2:42 pm
  • 3 jonusher_02 says:
    April 8, 2010 at 7:50 am

    + weh.. katakot

  • 4 jerrica says:
    September 3, 2010 at 12:36 pm

    what the heck!!! nakakatakot nmn!

  • 5 claire amoto says:
    January 20, 2011 at 2:12 pm

    overrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!!!!!11

  • 6 frentzie says:
    February 12, 2011 at 10:50 am

    kakatakotttttttt…..huhuhu!

  • 7 darkangel says:
    August 5, 2011 at 11:22 am

    oveerrr,,,
    nakakatakot naman ”’, huhuh

  • 8 arkichel says:
    October 6, 2011 at 10:17 pm

    nice.. adventure.. exciting!! hehe :p
    ano kaya ang susunod na mangyayari…

Mag-iwan ng mensahe...