Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 5

“Sige…”

Sumilip nga ito. Biglang nanlaki ang mga mata at agad na inalis ang pagkakasilip sa butas.

Taka naman si Randy.

“Bakit…?”

‘”Yun mga bangkay na nabitak na nitso ay naggagalawan.”

Nanginginig ang boses at takot na takot si Aleli nang sabihin ‘yun.

“Totoo ba’ng sinabi mo?”

“Oo… silipin mo!”

Nagmamadali ngang sumilip si Randy. Totoo nga ang sinabi ng asawa. Kitang-kita niya na naggagalawan ang mga bangkay na naaagnas na sa bitak na nitso.

“My God, ano’ng nangyayaring ito?”

“Randy, ano’ng gagawin natin?” Umiiyak sa takot na tanong ni Aleli sa asawa.

Wala siyang mahagilap na isagot. Hindi niya rin alam kung ano ang dapat gawin. Ibang klase ‘tong nangyayari sa kanila. Hindi talaga kapani-paniwala.

Ano ang gagawin ng mga bangkay na nabubuhay? At sino ang bumubuhay sa kanila? Yun ang katanungang naglalaro sa isipan ng takot na takot na si Aleli.

Parang pinagsisisihan nito tuloy kung bakit sa ganitong honeymoon pa ang naisipang gawin ni Randy. Kung bakit kasi pareho silang mahilig sa kakaibang adventure.

At heto ngayon, kakaibang-kakaiba talaga ito pero takot na takot naman ang kanyang nadarama. Pareho si la ni Randy.

“Randy, wala ka bang maisip na paraan kung ano ang dapat nating gawin ngayon?”

“Nag-iisip nga ako, e.”

“Hindi na p’wede na maghintay na lang tayo rito ngayon ng umaga.”

“Ba’t mo nasabi iyan?”

“E, naggagalawan na ang mga bangkay. Ibig sabihin, nabubuhay sila. Hindi malayong magpunta rito sa.atin ang mga ‘yan.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

8 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 5”

  • 1 allan m-pogiboyngcebu says:
    February 11, 2010 at 3:34 pm

    grabehhhhh! todo na to

  • 2 anne09_rf says:
    March 29, 2010 at 2:42 pm
  • 3 jonusher_02 says:
    April 8, 2010 at 7:50 am

    + weh.. katakot

  • 4 jerrica says:
    September 3, 2010 at 12:36 pm

    what the heck!!! nakakatakot nmn!

  • 5 claire amoto says:
    January 20, 2011 at 2:12 pm

    overrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!!!!!11

  • 6 frentzie says:
    February 12, 2011 at 10:50 am

    kakatakotttttttt…..huhuhu!

  • 7 darkangel says:
    August 5, 2011 at 11:22 am

    oveerrr,,,
    nakakatakot naman ”’, huhuh

  • 8 arkichel says:
    October 6, 2011 at 10:17 pm

    nice.. adventure.. exciting!! hehe :p
    ano kaya ang susunod na mangyayari…

Mag-iwan ng mensahe...