Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 5

Kinilabutan si Randy sa sinabi ng asawa. Lumikha ng matinding takot sa kanya ‘yun hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang mga laman. Posible nga na mangyari ‘yun.

Hindi basta mabubuhay ng ganu’n ang mga bangkay ng basta na lang nang walang ibang layunin. Silang mag-asawa lang ang tanging buhay na nandito sa gitna ng sementeryo. Kaya’t hindi malayong puntahan sila.

Bigla, humigpit ang pagkakahawak ni Randy sa baril sa isiping gayon. Tanging ang sandatang ‘yun lang ang panlaban nila kung sakali. At kung sakali rin, may magagawa kaya ang sandatang ‘yun upang ipagtanggol silang mag-asawa?

Mga bangkay na nabubuhay? Samakatuwid, mga Zombies ito? May laban ba sila rito?

Lalong tumindi ang takot na nadama ni Randy sa sumaging iyon sa kanyang isipan.

“May magagawa nga ba kami kung sakali?”

Si Aleli naman, titig na titig sa kanya. Naghihintay kung ano ang gagawin niyang aksyon. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang hindi makayanang takot na namamahay sa katauhan nito.

“Matagal pa’ng umaga Randy, marami pang magaganap kung hindi tayo gagawa ng paraan,” nasa tono nang pagkakasabi ni Aleli ang pagmamadali kay Randy para gumawa agad ito ng aksyon.

Hindi naman nagustuhan ni Randy ang ginawing iyon ng asawa.

Kinainis niya. Masyado siyang inaapura, gayong hindi na nga niya malaman kung ano ang gagawin.

“‘Wag mo ‘kong madaliin. Lalo akong nalilito. Hindi ako makapag-isip ng mabuti!”

“Hindi mo maiaalis sa akin na magkaganito. Natatakot ako.”

“Alam ko ‘yun. Basta calm down ka lang. Gagawa ako ng paraan.”

Hindi nakaalis kahit kaunti man sa takot na nadarama ni Aleli ang sinabing iyon ng asawa. Batid nito pampalakas-loob lang ‘yun. Agarang aksyon ang gawin sana agad ng asawa para malusutan nila ang nakakikilabot na nangyayari ngayon.

“Kung ang gusto mo’y hindi na natin hintayin ang pag-uumaga at gumawa tayo ng aksyon, ang tanging magagawa natin ay lumabas ng bahay kubong ito at hanapin ang daan palabas ng sementeryo,” sabi ni Randy sa asawa.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

8 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 5”

  • 1 allan m-pogiboyngcebu says:
    February 11, 2010 at 3:34 pm

    grabehhhhh! todo na to

  • 2 anne09_rf says:
    March 29, 2010 at 2:42 pm
  • 3 jonusher_02 says:
    April 8, 2010 at 7:50 am

    + weh.. katakot

  • 4 jerrica says:
    September 3, 2010 at 12:36 pm

    what the heck!!! nakakatakot nmn!

  • 5 claire amoto says:
    January 20, 2011 at 2:12 pm

    overrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!!!!!11

  • 6 frentzie says:
    February 12, 2011 at 10:50 am

    kakatakotttttttt…..huhuhu!

  • 7 darkangel says:
    August 5, 2011 at 11:22 am

    oveerrr,,,
    nakakatakot naman ”’, huhuh

  • 8 arkichel says:
    October 6, 2011 at 10:17 pm

    nice.. adventure.. exciting!! hehe :p
    ano kaya ang susunod na mangyayari…

Mag-iwan ng mensahe...