Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 5

Hindi nakakibo si Aleli. Hindi nito gusto ‘yun. Takot ito na sagasain ang kalawakan ng sementeryo. Pareho nilang hindi alam kung saan ang hangganan nu’n. Baka kung saan-saan lang sila mapapunta na lalong maglalagay sa kanila sa panganib.

“Ano, lalabas tayo ng bahay kubong ito?” Parang naghahamon na tanong ni Randy kay Aleli.

Napatanga ito. Hindi malaman kung ano ang isasagot.

“Kung gagawin ba natin ‘yun makakasiguro ba tayo na makalalabas ng sementeryo?”

Si Randy naman ang napatanga.

Ano nga ba? Makikita ba agad nila ang palabas ng sementeryo?

At kung sakali, ano ba ang nasa kabila ng sementeryo?

“Hindi ako tiyak. Basta, bahala na!”

Hindi nagustuhan ni Aleli ang sagot ng asawa na bahala na. Pag ginamit mo ang word na “bahala na” nangangahulugan ‘yun ng walang katiyakan. Namamana sa dilim.

“E, di hindi pala tayo sigurado na makalalabas ng sementeryo?”

“E, dito ba sa loob ng bahay kubo ay sigurado tayong makaliligtas?” Mabilis ang pagsagot ni Randy nu’n na may halong pagkairita.

Oo nga naman, sa isip-isip ni Aleli.

“E, di aalis na tayo ngayon?”

“Dapat, kung ‘yun anS makabubuti!”

“Sige…” Atubili ang pagkakasagot ni Aleli.

Pero bago ‘yun, tinungo pa ni Randy ang butas ng dingding.

“Ano pa’ng gagawin mo?”

“Sisilipin ko uli.”

Hindi na tumutol si Aleli. Minasdan na lang nito ang asawa na nakatuwad na nakasilip sa butas ng dingding. Para bang naninilip ito sa butas ng banyo na may isang babaing naliligo.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

8 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 5”

  • 1 allan m-pogiboyngcebu says:
    February 11, 2010 at 3:34 pm

    grabehhhhh! todo na to

  • 2 anne09_rf says:
    March 29, 2010 at 2:42 pm
  • 3 jonusher_02 says:
    April 8, 2010 at 7:50 am

    + weh.. katakot

  • 4 jerrica says:
    September 3, 2010 at 12:36 pm

    what the heck!!! nakakatakot nmn!

  • 5 claire amoto says:
    January 20, 2011 at 2:12 pm

    overrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!!!!!11

  • 6 frentzie says:
    February 12, 2011 at 10:50 am

    kakatakotttttttt…..huhuhu!

  • 7 darkangel says:
    August 5, 2011 at 11:22 am

    oveerrr,,,
    nakakatakot naman ”’, huhuh

  • 8 arkichel says:
    October 6, 2011 at 10:17 pm

    nice.. adventure.. exciting!! hehe :p
    ano kaya ang susunod na mangyayari…

Mag-iwan ng mensahe...