Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 6

Batid niyang walang magiging epekto ‘yun sa bangkay. Pero kahit paano ay makakaantala ‘yun sa paglapit sa kanila.

Tinamaan sa. dibdib ng tv set ang bangkay na nauuna. Talsik ito na natumba at bumagsak sa dalawang bangkay na nasa likuran nito kaya sabay ang tatlo na napahiga sa sahig.

‘Yun namang mga bangkay na nasa likuran nila ay ganap nang nakasampa sa pasimano ang dalawa sa mga iyon at ang iba ay nagsisisampahan na rin. Nakapangunyapit ang mga kalansay na kamay ng mga ito sa pasimano ng bintana.

“Randy, ayan na sila sa likuran natin!”

Binigwasan ni Randy ng suntok ang isang bangkay na nasa likuran nila. Sapol ito na bumalandra sa mga kasama nitong bangkay na bago pa lang pasampa sa pasimano ng bintana. Dahil doon, natangay na nahulog uli sa lupa ang dalawa sa bangkay na kasama ang bangkay na sinuntok ni Randy.

Naalala ni Randy ang flashlight niya na nakasuksok sa likuran ng pantalon. Hinugot niya ‘yun saka malakas na inihampas sa mukha ng isa pa sa mga bangkay.

Sa lakas nang pagkakahampas ay nawasak ang flashlight. Talsikan ang mga piyesa nu’n. Ang salamin, ilaw pati apat na baterya.

Ang bangkay namang timaan ng pagkakahampas ay umikot na bumalandra rin sa mga kasama nitong bangkay. Parang bolilyo ng bowling na nagbagsakan ang mga ito.

Sinamantala iyon ni Randy.

“Dali Aleli, du’n sa silid natin!”

Hila sa kamay ang nagtitiling asawa ay mabilis silang tumakbo patungo sa kanilang silid. Upang pagdating lang doon ay masindak.

Ang bintana ng kanilang silid ay bukas na, nagsasampahan doon ang mga bangkay. May dalawa ng bangkay ang nakasampa na at nasa loob na ng kanilang silid.

Sumugod kay Randy ang dalawang bangkay. Tinadyakan niya ang isa rito. Sapol sa dibdib. Sa lakas ng tadyak niya, nagkalugutukan ang mga tadyang ng bangkay. Nabali ang ilan doon.

Pero parang balewala lang, sige pa rin ang sugod.

Isang tadyak din ang ibinigay niya sa ikalawang bangkay. Tinamaan ‘yun na tumama ang likod sa pasimano ng bintana na noo’y kasalukuyang sinasampahan ng ilan pa sa mga bangkay.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

15 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 6”

  • 1 celene says:
    January 30, 2010 at 6:23 pm

    grabe..
    nakaka inis naman toh
    akala ko ba romantic pocketbooks toh
    bat nakakatakot toh?
    grabe ah
    nakakatakot tlga xa

    • 2 kara says:
      June 6, 2010 at 9:26 pm

      grabe. Walang kwenta. nakakatawa lang. Parang yung mga comedy sa tv. Next tinme gumawa ka ng misteryoso, kagaya ni pearl angeli. Chaka.

  • 3 saizel says:
    March 12, 2010 at 8:46 pm

    …..grabeh naman kakatakot….
    ….and i like the story…..

  • 4 anne09_rf says:
    March 29, 2010 at 2:50 pm

    puro thrill..wla na yung romance..im getting bored..diverted ang focus..

  • 5 cj says:
    September 1, 2010 at 9:56 pm

    im pocketbook lover,,and i didnt find that this story was interesting,,u need to learn basic things how to write novel or story,its not realistic,,the reader didnt know how to react,u have talent to write but still u still need more knowledge.in writing novel its not like kung anu ung nasa isp mo sulat mo agad its not like that u must think also if it was fit on the story..keep on writing but bfore u post it on this site think of it if its was really enuf to the readers.look wat happen my mga bad comments tuloy,,goodluck

  • 6 kc says:
    November 4, 2010 at 12:55 pm

    bat ganun? horror nma ito eh. akala ko ba tungkol sa romance???

    • 7 LoveBug_14 says:
      November 4, 2010 at 1:00 pm

      kakatakot aman…
      akala ko love story???

  • 8 dynnavie0223 says:
    November 11, 2010 at 4:37 pm

    uu kkatakot nmn 2 nkkainis…… prng wlang love story puro kkatakot

  • 9 dynnavie0223 says:
    November 11, 2010 at 4:41 pm

    grrrrr……..nakainis tlga ano ba 2 kla luv story nakkainis

  • 10 arkichel says:
    October 6, 2011 at 10:48 pm

    wow action naman ngayon.. at sobrang may thrill..
    ok nga yung story e.. kakaiba..saka sa site na ito wala namang sinabi na romance lang ah.. TAGALOG POCKETBOOKS.. meaning anything, any genre.. kung beyond reality naman ang story, ok lang.. parang movie din naman yan,. eh kung kayo kaya ang sumulat ng ganyang kahabang story.. and besides, hndi naman hahayaang ipublish yan dito kung wala yang kwenta diba? kung ayaw nyo sa story nya better stop reading it and make your own story.. haha komento lang.. ang matamaan, SAPUL!!
    next chapter na, oye! 🙂

  • 11 barbhiejhen says:
    May 7, 2012 at 12:55 am

    yeah right d aman cnv n l0ve st0ry pocket b0oks kung mkpg bad c0mment naman 2ng mga toh atxka nkikibasa lng dn naman keo puro p keo reklam0.alm nio n plng h0rr0r bat pinagpa2l0y nio p ung pgbbaxa meanz nacyahan dn keo libre n nga mgbaxa makac0mment naman keo ng negative wagas wagas naku naman.

  • 12 barbhiejhen says:
    May 7, 2012 at 12:59 am

    ung ixa oh writer k pla bt d k nlng gumawa ng xrling xeo at ipaqta mu d2 kung anu ang kaya mung gawin n cnsv mung wlng thrill ung xa author bka inggit lang yan neng kung aq xeo tgil mu nlng yan lol xD

  • 13 barbhiejhen says:
    May 7, 2012 at 1:07 am

    ay d pla writter p0cket b0ok lover lng pla kung mkareact kala mu auth0r .tnt. Wahaha

  • 14 arleigottalent says:
    October 16, 2012 at 10:25 am

    Dapat binaril ni Randy yung Mga ulo ng Zombies! Mas epiktibo yun 🙂

  • 15 arleigottalent says:
    October 16, 2012 at 10:28 am

    Hello po so far ang Ganda pa din ng stories 🙂 UY suggestion Ko Lang po yung unang comment Ko ha? 🙂 matanong Ko Lang po, may bayad po ba dito kung mag- susulat po Ako ng kwento?

Mag-iwan ng mensahe...