Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 6

“Randy, sa’n pa tayo pupunta, napasok na nila lahat ang buong kabahayan!” Sigaw ni Aleli.

Hindi nga malaman ngayon ni Randy kung ano ang gagawin. Lahat ng pagsisikap niyang maitaboy ang mga bangkay ay nawawalan ng saysay. Kulang ang lakas at pamamaraan niya para mapigil ang mga ito.

Ang mga bangkay na nasa salas ay nandito na rin ngayon sa may pinto ng silid nila at papasok na.

Sigaw uli si Aleli.

“Randy, nandito na silang lahat!”

Parang gusto nang takasan ng ulirat si Randy. Sa dami ngayon ng mga bangkay na nasa loob ng bahay ay hindi na niya talaga makakaya na mapigil ang mga iyon. Kung anuman ang intensiyon ng mga ito sa kanilang mag-asawa ay tiyakang magagawa na.

“Diyos ko, ano’ng gagawin ko para matakasan namin ni Aleli ang mga ito.”

Pumu-puno ngayon sa buong kabahayan ang amoy ng mga bangkay. Naaagnas na laman. Nakasusulasok ang amoy. Makabaligtad sikmura. Amoy ng nabubulok na laman na nagnanana. Malansa at nakapandidiri.

Bagaman nasa gitna ngayon ng nakapangingilabot na karanasan sa kanyang buhay ay hindi maiwasan ni Aleli ang maalibadbaran sa kanyang naaamoy. Nakaramdam ito nang parang masusuka. Parang babaliktad ang sikmura.

“Aleli!” sigaw ni Randy rito.

“Hindi ko makayanan ang amoy,” sagot nito na paputul-putol dahil dumadahak.

Isa sa mga bangkay naman ay nakahawak sa balikat ni Aleli. Hihilahin ito patungo sa kanyang mga kasama.

Nagtitili naman ito. Ramdam na ramdam nito kasi ang malamig na kamay ng bangkay.

“Randy, tulungan mo ako!”

Hinihila na ng bangkay si Aleli.

Isang flying kick ang ibinigay ni Randy sa bangkay na humihila sa asawa. Tinamaan sa tagiliran ang bangkay na naging sanhi para tumalsik ito ngunit kasama si Aleli. Hindi kasi bumitiw ang bangkay sa pagkakahawak sa balikat ni Aleli. Kaya sabay ang dalawa na bumagsak sa sahig.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

15 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 6”

  • 1 celene says:
    January 30, 2010 at 6:23 pm

    grabe..
    nakaka inis naman toh
    akala ko ba romantic pocketbooks toh
    bat nakakatakot toh?
    grabe ah
    nakakatakot tlga xa

    • 2 kara says:
      June 6, 2010 at 9:26 pm

      grabe. Walang kwenta. nakakatawa lang. Parang yung mga comedy sa tv. Next tinme gumawa ka ng misteryoso, kagaya ni pearl angeli. Chaka.

  • 3 saizel says:
    March 12, 2010 at 8:46 pm

    …..grabeh naman kakatakot….
    ….and i like the story…..

  • 4 anne09_rf says:
    March 29, 2010 at 2:50 pm

    puro thrill..wla na yung romance..im getting bored..diverted ang focus..

  • 5 cj says:
    September 1, 2010 at 9:56 pm

    im pocketbook lover,,and i didnt find that this story was interesting,,u need to learn basic things how to write novel or story,its not realistic,,the reader didnt know how to react,u have talent to write but still u still need more knowledge.in writing novel its not like kung anu ung nasa isp mo sulat mo agad its not like that u must think also if it was fit on the story..keep on writing but bfore u post it on this site think of it if its was really enuf to the readers.look wat happen my mga bad comments tuloy,,goodluck

  • 6 kc says:
    November 4, 2010 at 12:55 pm

    bat ganun? horror nma ito eh. akala ko ba tungkol sa romance???

    • 7 LoveBug_14 says:
      November 4, 2010 at 1:00 pm

      kakatakot aman…
      akala ko love story???

  • 8 dynnavie0223 says:
    November 11, 2010 at 4:37 pm

    uu kkatakot nmn 2 nkkainis…… prng wlang love story puro kkatakot

  • 9 dynnavie0223 says:
    November 11, 2010 at 4:41 pm

    grrrrr……..nakainis tlga ano ba 2 kla luv story nakkainis

  • 10 arkichel says:
    October 6, 2011 at 10:48 pm

    wow action naman ngayon.. at sobrang may thrill..
    ok nga yung story e.. kakaiba..saka sa site na ito wala namang sinabi na romance lang ah.. TAGALOG POCKETBOOKS.. meaning anything, any genre.. kung beyond reality naman ang story, ok lang.. parang movie din naman yan,. eh kung kayo kaya ang sumulat ng ganyang kahabang story.. and besides, hndi naman hahayaang ipublish yan dito kung wala yang kwenta diba? kung ayaw nyo sa story nya better stop reading it and make your own story.. haha komento lang.. ang matamaan, SAPUL!!
    next chapter na, oye! 🙂

  • 11 barbhiejhen says:
    May 7, 2012 at 12:55 am

    yeah right d aman cnv n l0ve st0ry pocket b0oks kung mkpg bad c0mment naman 2ng mga toh atxka nkikibasa lng dn naman keo puro p keo reklam0.alm nio n plng h0rr0r bat pinagpa2l0y nio p ung pgbbaxa meanz nacyahan dn keo libre n nga mgbaxa makac0mment naman keo ng negative wagas wagas naku naman.

  • 12 barbhiejhen says:
    May 7, 2012 at 12:59 am

    ung ixa oh writer k pla bt d k nlng gumawa ng xrling xeo at ipaqta mu d2 kung anu ang kaya mung gawin n cnsv mung wlng thrill ung xa author bka inggit lang yan neng kung aq xeo tgil mu nlng yan lol xD

  • 13 barbhiejhen says:
    May 7, 2012 at 1:07 am

    ay d pla writter p0cket b0ok lover lng pla kung mkareact kala mu auth0r .tnt. Wahaha

  • 14 arleigottalent says:
    October 16, 2012 at 10:25 am

    Dapat binaril ni Randy yung Mga ulo ng Zombies! Mas epiktibo yun 🙂

  • 15 arleigottalent says:
    October 16, 2012 at 10:28 am

    Hello po so far ang Ganda pa din ng stories 🙂 UY suggestion Ko Lang po yung unang comment Ko ha? 🙂 matanong Ko Lang po, may bayad po ba dito kung mag- susulat po Ako ng kwento?

Mag-iwan ng mensahe...