Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 7

Ngunit paano?

Natigilan sa iniisip ito nang biglang huminto ang mga bangkay sa pagkaladkad sa kanya. Tiningnan nito ang dakong harapan na tinigilan ng dalawang bangkay na may hila sa kanya.

Dalawang bangkay ang nakita nito doon na naghuhukay. Ang isa’y piko ang hawak at pala naman ang isa na sige ang pagpala sa lupa na nahuhukay nila.

Lampas beywang na ang lalim ng hukay.

May humahaging na masamang pangitain sa isipan ni Aleli sa nakitang paghuhukay na iyon.

“Hindi kaya para sa akin ang ginagawang hukay na iyon?”

Kinilabutan ito sa isiping iyon.

“Maaaring para sa akin nga ang hukay na iyon? Ano’ng dahilan at naghuhukay ang dalawang bangkay na iyan at bakit dito ako dinala?” Sabi sa isipan nito.

Binitiwan ito ng dalawang bangkay na humihila. Sa biglang pagkakabitiw sa kanyang dalawang kamay ay bumagsak ang katawan nito sa lupa na naging sanhi para mapangudngod ang kanyang mukha sa lupa.

Gayunpaman, nagbigay ng konting pag-asa kay Aleli ang ginawang iyon ng dalawang bangkay. Wala nang humahawak sa kanya. May pagkakataon na para makatakas.

Nakiramdam ito. Bahagyang nilinga sa magkabilang panig ang kanyang ulo. Nakita nito ang mga paa ng dalawang bangkay sa kanyang magkabilang panig.

‘Yung limang bangkay na nakasunod kanina sa kanilang likuran ay hindi nito batid kung saang panig ito ngayon doon naroroon.

“Bahala na,” sabi nito sa isip.

Biglang tayo nga ito at kumaripas ng takbo. Kung saan ang landas pabalik sa kanyang pinanggalingan ay hindi nito alam. Basta tumakbo lang ito. Kailangan niyang makalayo. Ang makatakas!

Nabigla ang mga bangkay sa bilis nang naging aksyon ni Aleli. Hindi inaasahan ng mga ito ‘yun. Walang tanging gagawin kundi habulin ang babae.

Takbong walang puknat ang ginawa ni Aleli. Pasikut-sikot ito sa pagitan ng mga nitso Walang tiyak kung saan hahantong ang kanyang patutunguhan.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

8 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 7”

  • 1 annah says:
    March 1, 2009 at 9:48 am

    asan na poh karugtong ng kwento s taghoy s hatinggabi? kakabitin poh kc kwento eh…jejejeje!
    plz published poh ang karugtong s kwento thanks & more power zah inio lahat ^_^

  • 2 annah says:
    March 1, 2009 at 9:50 am

    zuper gandah kwento i like horror kxeh jejeje !!!!

  • 3 Raya de jesus says:
    May 30, 2009 at 2:32 pm

    Pls pa publish npo ng next pages exciting kc ang kwento nka2bitin. Nwei congrats and more power! Nice plot..

  • 4 marvic says:
    July 28, 2009 at 1:51 pm

    project

  • 5 tin says:
    August 9, 2010 at 11:55 am

    Walang kwenta. Bobo ung author!!! Kaburaot!!! Sobrang imposibleng mangyari. Pagnakita ko author nito babatukan ko!!! Hanggang maging zombie!

  • 6 hazel says:
    January 29, 2011 at 8:06 am

    asan na kc ung holy water na bigay nung pari. .dapat hanapin niya un..

  • 7 darkangel says:
    August 5, 2011 at 11:48 am

    nice talaga horror story….
    super…
    pata ako nadadala na rin sa takot…
    huhuh…..^_^..

  • 8 arkichel says:
    October 6, 2011 at 11:16 pm

    ayan na.. haha
    kalerki..
    kala ko zombies will eat their brains.. hndi pala haha..
    ganun pa man, asan na ang next chapter? hehe :p

Mag-iwan ng mensahe...