Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 7

Five minutes, ten minutes o fifteen minutes? Hindi nito alam. Siguro, kung hindi lang sa takot ay hindi nito kayang takbuhin ang kanyang ginawa ngayon. Sa kagaya nitong hindi naman sanay sa hirap ay may pagkaimposible na ang kanyang ginawang iyon.

Napakarami ng energy ang naubos sa kanyang katawan sa pagtakbong iyon. Salamat na lamang at nakakaya pa ng kanyang katawan na magpatuloy sa pagtakbo.

Dahil sa malaking ibinagal ng takbo ni Aleli ay lumapit ngayon ang distansiya ng mga bangkay na humahabol sa kanya. Halos ilang dipa na lang.

Kung magpapatuloy pa ang habulan ng ilang minuto, tiyak na ang kanyang pagkahuli.

“Diyos ko bigyan n’yo pa ako ng lakas para matakasan ang mga ito,” dasal ni Aleli.

Ngunit sa malas, mukhang hindi pinakinggan ng Diyos ang kanyang dasal, Dahil sa bagal na ng kanyang takbo ay inabot ito ng isa sa mga bangkay na nauunang humahabol.

Nahablot ang kanyang buhok sa likuran.

Ang sigaw ni Aleli.

“AAYYY! AYOKO NA PO! AYOKO NA!”

Kasunod noon, maagap na ang dalawa pa sa bangkay na nakasunod ay agarang hinawakan ang magkabilang kamay ng babae. Nagpupumiglas ito at isa agad ang nasa kanyang isipan.

“RANDY, RANDY, TULUNGAN MO AKO!”

Galit ang isa sa mga bangkay na sa wari ay ito ang pinakalider. Marahas at malakas ang sampal na ibinigay kay Aleli.

Bumiling ang mukha nito na agad na umagos ang dugo sa pumutok na labi sa lakas ng sampal.

“Maawa kayo sa akin…maawa kayo!”

Hagulhol na pagsusumamo ni Aleli.

Hindi ito pinakinggan at muli pakaladkad itong hinila sa magkabilang kamay ng dalawa sa mga bangkay. Sa pagkakataong ito ay nakapahiga naman si Aleli na hinihila.

Ang sakong naman nito na walang sapin sa paa ang kumaladkad sa lupa habang nagsisisigaw sa pagmamakaawa ang pobreng babae.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

8 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 7”

  • 1 annah says:
    March 1, 2009 at 9:48 am

    asan na poh karugtong ng kwento s taghoy s hatinggabi? kakabitin poh kc kwento eh…jejejeje!
    plz published poh ang karugtong s kwento thanks & more power zah inio lahat ^_^

  • 2 annah says:
    March 1, 2009 at 9:50 am

    zuper gandah kwento i like horror kxeh jejeje !!!!

  • 3 Raya de jesus says:
    May 30, 2009 at 2:32 pm

    Pls pa publish npo ng next pages exciting kc ang kwento nka2bitin. Nwei congrats and more power! Nice plot..

  • 4 marvic says:
    July 28, 2009 at 1:51 pm

    project

  • 5 tin says:
    August 9, 2010 at 11:55 am

    Walang kwenta. Bobo ung author!!! Kaburaot!!! Sobrang imposibleng mangyari. Pagnakita ko author nito babatukan ko!!! Hanggang maging zombie!

  • 6 hazel says:
    January 29, 2011 at 8:06 am

    asan na kc ung holy water na bigay nung pari. .dapat hanapin niya un..

  • 7 darkangel says:
    August 5, 2011 at 11:48 am

    nice talaga horror story….
    super…
    pata ako nadadala na rin sa takot…
    huhuh…..^_^..

  • 8 arkichel says:
    October 6, 2011 at 11:16 pm

    ayan na.. haha
    kalerki..
    kala ko zombies will eat their brains.. hndi pala haha..
    ganun pa man, asan na ang next chapter? hehe :p

Mag-iwan ng mensahe...