Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 8

Huli na para siya makaiwas nang mahawakan ng kamay na iyon ang isa niyang paa.

Tinadyakan niya ‘yun ng isang paa niya na hindi hawak. Pero hindi rin bumitiw. Humigpit pa lalo ang pagkakahawak at hinihila ang paa niya patungo sa ilalim ng lupa.

Kinalabutan siya sa posibleng mangyayari. Dadalhin siya palubog sa ilalim ng lupa.

“Hayup na impakto ito, a. Ano kaya ang dapat kong gawin para bumitiw sa paa ko?”

Isa lang ang paraan, ang makahawak siya ng sandata na ipanlalaban doon.

Ang krus na kahoy na nakatusok sa ulunan ng puntod ang napagtutuunan niya. Sinunggaban niya ‘yun at hirap na hirap na binubunot sa pagkakatusok.

Habang ginagawa niya ‘yun ay palubog na nang palubog sa ilalim ng lupa ang kamay na nakahawak sa isang paa niya.

Dala marahil ng matinding takot, nagkaro’n siya ng extrang lakas para mabunot ang krus sa kabila ng medyo may kalaliman nitong pagkakabaon.

Ang dulo nu’n na matulis na siyang ibinaon niya sa lupa ang ginamit niya para gawing panlaban. Tinusuk-tusok niya nu’n ang kamay. Madiin at malakas ang ginawa niyang pagtusok.

“Hayup kang kamay ka! Impakto ka!”

Sa ginawa niyang ‘yun, napilitang bumitiw ang kamay sa pagkakahawak sa paa niya at tuluyang lumubog uli ito sa ilalim ng lupa.

Nakahinga siya ng maluwag.

“Ay salamat!”

Siya namang datingan ng mga bangkay na humahabol sa kanya. Lundagan ito pababa buhat sa ibabaw ng nitso.

Wala nang pagpipilian si Randy kundi harapin ang mga ito at labanan. Wala ng panahon para tumakbo.

Ang krus na kahoy na ginamit niyang sandata kanina ang gagamitin ding panlaban.

Humigpit ang pagkakahawak niya rito at humanda. Nakaabang siya na nakaasta sa sinumang unang susugod.

Tatlo sa mga bangkay ang sabay na dumaluhong. Sinalubong niya ito nang hataw. Umigtad ‘yung tatlo na sabay ding tinamaan.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

6 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 8”

  • 1 MAY says:
    August 4, 2010 at 9:30 am

    AWWWWWWWWWWW..KATAKOT…..

    • 2 marie says:
      November 20, 2012 at 10:37 am

      Siguro yong nah sulat ito walang maisip n magandang romance story at ito p tlaga isinulat corny putik

  • 3 tin says:
    August 9, 2010 at 12:39 pm

    Ung author nito for sure abnormal!!! Walang saysay!

  • 4 myra delposo says:
    October 23, 2010 at 4:02 pm

    wla dw saysay ang ganda nga eh,kung walang saysay bkit binasa mo?basta aq naga2ndahan ako exciting basahin,akala q ha2ntong ang story sa tampuhan at lambingan hnd pla bsta pra sken magaling ang nag sulat ni2

  • 5 kYro Pkblover says:
    October 26, 2010 at 12:44 am

    yaHh tamAa :))
    haha xcitinq nq
    s2ry .. <3 it .. !!

  • 6 Angelwiln says:
    July 1, 2012 at 3:58 am

    exciting! =)

Mag-iwan ng mensahe...