Share Your Love!

Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 8

Bumalandra sa mga kasama nilang nasa likuran. Sa lakas ng balandra, nagkatumbahan ang mga bangkay na pahigang nagkadaganan.

Laking tuwa ni Randy sa nangyaring ‘yun. May pagkakataon siya para makatakbo. Ngunit sumugod sa kanya ang dalawang bangkay na hindi napasama sa mga natumba.

Napilitan siyang hatawin din ‘yun ng krus. ‘Yung isa lang ang tinamaan at nakailag na payuko ang isa. Sinugod siya nu’n. Nagawa naman niyang ihampas sa dibdib nito ang krus. Ang pahalang na bahagi ng krus ang tumama na patusok.

Tumusok nga ‘yun sa gitnang dibdib ng bangkay at naglagos pa sa likod. Hindi ngayon magawang bunutin ni Randy sa dibdib ang nakatusok na krus.

Nagpapapalag ang bangkay pero buhay na buhay pa rin. Sa lakas ng pagpapalag, natatangay si Randy dahil sa pagkakahawak pa niya sa krus.

Kung hindi niya bibitiwan, matatangay siya talaga at maaabot nito. Magiging dahilan ‘yun para muli siyang mahawakan.

Napilitan niyang bitiwan ang krus na siyang tangi niyang sandata. Kung bubunutin naman niya ang isa pa sa dalawang krus na nakatusok sa dalawa pang puntod ay wala ng panahon. Tiyak na magagawa na ng mga bangkay na mahawakan siya. May kahirapang bunutin ang krus na ‘yun na nakabaon sa lupa. Mangangailangan ng ilang minuto. At sa ganu’ng panahon, tiyak na nadaluhong na siya.

Ang pagtakbo na ang tangi uli niyang kaligtasan.

Takbo nga siya na nilundag ang ibabaw ng isang nitso para muli doon magpalundag-lundag palipat-lipat sa mga nitso.

HANGGANG tuhod na ni Aleli ang lupang naitabon sa kanya ng dalawang bangkay na nagpapala ng lupa upang tuluyang tabunan ito ng buhay.

Wala namang patid ang hagulhol ng babae. Alam nito, ilang sandali na lang ay darating na sa kanya ang kamatayan. Kamatayang walang kasing sakit na nauukol lang sa mga taong suko sa langit ang kasalanan, hindi sa isang tulad ni Aleli.

Pero bakit heto ngayon at pagdudusahan nito ‘yun? Wala naman itong napakabigat na kasalanan para bigyan ng parusang kamatayang tulad noon.

Kung mayroon man itong kasalanan, ‘yun ay ang pagtira nila ni Randy sa bahay kubo na ginawa nilang hanimunan na itinirik sa gitna ng palanas na natabunan ng lahar.

Kasalanan na ba ‘yun?

“Randy, nasaan ka? Mamatay ako rito nang hindi tayo nagkikita,” usal ni Aleli.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

6 responses to “Taghoy Sa Hatinggabi – Kabanata 8”

  • 1 MAY says:
    August 4, 2010 at 9:30 am

    AWWWWWWWWWWW..KATAKOT…..

    • 2 marie says:
      November 20, 2012 at 10:37 am

      Siguro yong nah sulat ito walang maisip n magandang romance story at ito p tlaga isinulat corny putik

  • 3 tin says:
    August 9, 2010 at 12:39 pm

    Ung author nito for sure abnormal!!! Walang saysay!

  • 4 myra delposo says:
    October 23, 2010 at 4:02 pm

    wla dw saysay ang ganda nga eh,kung walang saysay bkit binasa mo?basta aq naga2ndahan ako exciting basahin,akala q ha2ntong ang story sa tampuhan at lambingan hnd pla bsta pra sken magaling ang nag sulat ni2

  • 5 kYro Pkblover says:
    October 26, 2010 at 12:44 am

    yaHh tamAa :))
    haha xcitinq nq
    s2ry .. <3 it .. !!

  • 6 Angelwiln says:
    July 1, 2012 at 3:58 am

    exciting! =)

Mag-iwan ng mensahe...